Chapter 43

553K 9.8K 2.4K
                                    

Chapter 43

Sitti's P.O.V

          "Para sa ating susunod na activity..."

          Kanina pa ako hindi mapakali dito sa pwesto ko sa tabi ni Kaizer.

          Paano ba naman kasi, mula pa kagabi hindi na ako pinatahimik ng lalaki na ito. Tapos idagdag pa yung sinabi nya sa akin kaninang umaga doon sa may dining table. Yung tungkol sa hindi sya makakain ng maayos dahil nakatingin ako sa kanya?

          Sino ba naman ang hindi mapapakali na makatabi yung taong umagaw ng first kiss mo at naging dahilan ng kawalan mo ng tulog at pamumula ng pisngi mo sa umaga huh?

          Ang nakakainis pa dito, para ako lang yung affected sa aming dalawa. Na parang wala lang kay Kaizer yung  mga pinaggagawa nya. No big deal. Ganoon pa din yung itsura nya. Snob at medyo masungit. Ay hindi pala medyo. Masungit talaga!

          Tapos yung mga babaeng hilig gawing topic sa bulungan nila yung pangalan ko obvious na din yung pag-iwas sa akin. Ni hindi na nga nila ako tinitingnan eh!

          Tapos ang nakakainis pa ulit, lagi syang tumatabi sa akin kahit na wala namang nagsasabi na tabihan nya ako.

          Parang kanina lang nung assembly namin, ang pagkakatanda ko, si MM katabi ko. Tapos ngayon nagulat na lang ako na sya katabi ko at si MM ay nasa pinakadulo na ng pila ng group namin katabi si Margaret.

          Speaking of Margaret, sya lang yung hindi natinag sa pagsumpong ng kasungitan ni Kaizer kanina. Panay pa din kasi yung pagtataray nya sa akin tuwing mapapatingin ako sa gawi nila.

          Sus! Akala naman nya sya yung tinitingan ko eh si MM naman.

          "Miss Sandoval!"

          Seryoso ba talaga si Kaizer doon sa sinabi nya na gusto nya ako? Seryoso ba sya doon sa sinabi nya na may gusto sya sa akin o trip nya lang ako pagtripan?

          Alam nyo na? Na baka may pinaplano syang masama. Na papa-in love-in nya ako sa kanya tapos kapag nalaman nya na in love na ako sa kanya, gaya ngayon, aasarin na nya ako.

          Or worst, gagawin nyang pangblackmail sa akin yung feelings ko para sa kanya.

          Nakakainis! Bakit ba ang complicated ng love?!

          "MISS FELICITY SANDOVAL!"

          "Y-Yes Miss?!" mataas at gulat na sabi ko nang bigla na lang sumigaw si Ma'am na nakatayo na pala sa harapan ko.

          "I'm checking your attendance and I've been calling your name for about a minute now!" sermon sa akin ni Ma'am. "Miss Sandoval, if you don't have time to listen to my instructions for this activity, you're free to go and start cleaning the whole house, now!"

          Lihim akong napalunok.

          Ako? Paglilinisan ng buong bahay namin? Yung retreat house? Bakit? Saka ano ba yung activity na gagawin namin? Kung papasok na naman kami sa haunted house, willing akong linisin buong bahay.

          "A-Ano nga po ulit yung activity, Miss?" alanganing tanong ko.

          Tinaasan lang ako ng kilay ni Ma'am at damang-dama ko na mukhang nasagad ko na yung inis nya.

          "Pfft!"

          Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko sya, si Kaizer, na nagpipigil ng tawa nya.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon