Chapter 38

649K 10.7K 3.9K
                                    

Chapter 38

Sitti's P.O.V

          Ngayon na ang araw ng retreat namin. And good news! Ayokong sumama!

          Sino ba namang matinong tao ang gustong sumama sa isang retreat trip kung may makakasama ka ng demonyo sa byahe hanggang sa retreat house di ba?

          Ayoko ko sanang maging masama kay Margaret at ayoko ko sana syang siraan o kung ano pa mang negative na bagay na pwedeng lumabas sa bibig ko.

          Pero masisisi nyo ba ako? For two years, two years nya akong pinapahirapan! Lagi nya akong napagtitripan kapag bored sya o feel nya lang insultuhin ang buong pagkatao ko. Sige nga! Sabihin nyo nga sa akin kung bakit ko kailangan sumama sa retreat na iyon?

          At isa pa, nakapagdecide na ako na mas gugustuhin ko pang gumawa ng special project wag lang sumama sa retreat na iyon. Saka nagpaalam na din ako sa mga teachers ko na hindi ako sasama.

          Pumayag ba sila? Syempre hindi noong una. School activity kasi iyon. Lahat dapat sumama. Lahat ng nasa klase namin dapat sumama.

          Sus! Kahit hindi na nila sabihin na lahat kailangang sumama, automatic naman na sasama yung mga classmate ko lalo na yung mga babae kasi nadoon si Kaizer at Kris.  Tsk! Yung iba ngang nasa kabila at ibang section gusto ding sumama sa retreat kaya lang hindi sila pinayagan kasi nga hindi namin sila classmate.

          So iyon na nga! Nagdahilan ako sa mga Professors ko na mahiluhin ako sa byahe at baka hindi ko lang kayanin yung mg activities kasi nga baka puro suka na lang ang gawin ko sa bus namin.

          Alam kong masama ang magsinungaling pero minsan kailangan iyon para makatakas sa mga problema gaya ni Margaret. Legal ang magsinungaling kapag si Margaret ang usapan.

          At isa pa, alam ko naman na gusto nya din na hindi ako sumama para makasama at ma-solo nya si Kaizer. Obvious naman na ganoon gusto nya eh! Mga tinginan pa lang nya alam mo na kung ano gusto nya.

          At syempre, dahil sya si Margaret Torres, ang bully slash Queen Bee ng Eastton, no choice ka kundi sumunod o buong taon ka nyang papahirapan at aapi-apihin.

          At ayoko ko noon.

            *tok tok tok*

          Napalingon ako sa may pintuan nang makarinig ako ng mga katok. Umalis muna ako sa harap ng computer ko saka pinagbuksan yung kumatok na obvious namang si Mama. Dalawa lang naman kami dito sa bahay eh!

          Tinanong nyo kung may Papa ako? Di ba nasabi ko na noon sa inyo na iniwan kami ng Papa ko? Na mag-isa lang akong pinalaki ni Mama?

          So iyon na nga! Wag na nating pag-usapan yung buhay ko kasi wala namang kwenta iyon. Nakamove on na ako doon kaya okay na. Tapos na.

          Nga pala, nag-open ako ng Facebook ko kanina at nagsend ng PM o private message sa OP ni Kaizer FC (fictional character) at kinumusta sya.

          At alam nyo ba ginawa nya? Na-seenzoned ako!

          Napaisip nga ako eh! Online naman pala sya—naka-turn off lang yung chat sa kanya kaya hindi sya makita sa list ng online friends ko—pero hindi sya nagpaparamdam sa Facebook.

          Naisip ko nga na baka galit sya sa akin. Pero sana naman wag.

          At isa pa, wala naman akong natatandaang nagawang masama sa kanya eh!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon