Chapter 11

764K 12.3K 2.2K
                                    

Dedicated kay Ate @Keired kasi nakakaloka na babasahin nya 'to. Nakakastar struck! ^_____^ Hope na ma-enjoy mo isa sa mga kabaliwan ko :)

Chapter 11

Kaizer's P.O.V

          "Aish! Ang tagal-tagal nya!" inis na sabi ko sabay dinerecho ng inom yung juice na binili ko.

          "Kaka-lunch break pa lang Prince. Wag kang excited. Napaghahalataan ka na ah?"

          Tinapunan ko ng masamang tingin si Mobi na kasama ko dito sa may table namin sa may cafeteria habang hinihintay yung babaeng baliw na yun.

          "Anong ibig mong sabihin dyan huh?!"

          Hindi nya ako sinagot sa halip sumubo na lang sya ng dalawang piraso ng marshmallow saka pinakita sa harap ko kung pagnguya nya doon.

          "Nakakadiri ka alam mo ba yun?!" nakangiwing sabi ko.

          "Mas nakakadiri ka sa akin." sabi nya habang may lamang marshmallow yung bibig nya.

          Minsan talaga nabibilib na ako sa sarili ko na naiintindihan ko pa rin sya ng malinaw.

          Napatingin ulit ako sa relo sa braso ko sabay napatingin sa may pintuan ng cafeteria.

          12:01 PM na. 'Psh! Late na sya ng one minute! Lagot talaga sa akin yung babaeng yun dahil pinaghintay nya ako!'

          "Alam mo Prince," bigla akong napaharap kay Mobi saka nya nilunok yung natitira pang pagkain sa bibig nya. "Hindi kita maintindihan. Dati gustong-gusto mo ng alisin sa landas mo yung fake girlfriend mo. Ngayon naman pinagkakalat mo sa buong school na girlfriend mo na talaga sya? Ano ba talaga? Ayos ka lang?"

          "Alam mo hindi din kita maintindihan, Mobi." inis at madiin na banggit ko sa pangalan nya. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na wag na wag mo akong tatawaging Prince huh?!"

          "Hindi mo sinagot ang tanong ko." sabi nya sabay kumain na naman ng paborito nyang pagkain. Psh!

          Hindi ba nya naiisip na masisira ngipin nya kakakain ng marshmallow na yun?!

          "Bakit ka ba nandito huh?!" pag-iiba ko ng usapan. "Umalis ka na nga! Shu! Shu!"

          "Best friend mo kaya dapat alam ko lahat." sagot nya. "At wag mong ilihis ang usapan dahil huli na kita."

          "Huli saan?" kunot-noong tanong ko.

          Napangisi si Mobi sa akin. Yung ngisi na minsan ko lang makita sa kanya sa isang taon.

          Ang ngisi ng kasamaan.

          "May gusto ka na ba kay Sitti, huh, Kaizer?" ngingisi-ngising tanong nya.

          Tinapunan ko lang sya ng masamang tingin. "Wala akong gusto doon!"

          "Weee?"

          "Alam mo naman kung sino gusto ko at alam natin pareho na hindi ako magkakagusto sa ibang babae maliban na lang sa kanya di ba?"

          Natahimik na si Mobi matapos kong sabihin iyon. Napatango-tango na lang sya sabay tahimik na kumain ng marshmallow nya at nakihintay sa pagdating nung babaeng baliw na yun.

          Lalong sumama timpla ko nung mabanggit ko yung tungkol sa pagmamahal na yan.

          Ako? Magkakagusto kay baliw? Huh! ASA! Malaking ASA! Hindi mangyayari yun! Itaga nyo pa sa bato!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon