Chapter 40

732K 12.5K 6K
                                    

Chapter 40

Sitti's P.O.V

          "Okay! Anong gagawin natin ngayon? Ano?! Ano?! ANO?!" nagpapanic na sabi ko habang paikot-ikot akong naglalakad sa harapan nilang lahat.

          "Pwede bang tumigil ka muna sa kaka-ikot mo kasi nahihilo kami sa'yo!"

          Tinapunan ko ng masamang tingin si Kaizer saka inis na nagmartsa palapit sa kanya.

          "Paano ako titigil?! Ayos ka lang ba huh?! Si Margaret kalaban natin! Si Margaret!"

          "Eh ano ngayon?" bagot na sabi nya.

          Mas lalong uminit ang ulo ko sa naging sagot ni yabang.

          'Okay Sitti! Kalma lang! Hingang malalim! I-relax mo ang utak mo! Wag kang mag-isip ng negative! Si Margaret lang yan—'

          Gawd! Si Margaret lang yan?! Lang yan?!

          Sino bang niloloko ko?! I'm doom! Matatalo na nga kami, sasayad na naman sa lupa ang mukha ko! At baka magkasugat na talaga ako ngayon dahil siniwerte na ako kanina mula sa pagkakabagsak ko sa lupa! Waaaaa!!!

          "Ayoko ko na! I forfeit! I quit—"

          Bago ko pa matapos yung sasabihin ko, may bigla na lang nagtapon sa mukha ko ng mga damo. Nakain ko pa nga yung ibang tumama sa bibig ko eh! Yuck!

          "Ano ba Kaizer?!" inis na sabi ko sabay dura ng mga damo na napunta sa bibig ko. "Bakit mo ako binato ng damo?!"

          "Weak ka kasi." plain na sabi nya sabay tayo mula sa pagkakaupo nya doon sa damuhan. "Susuko ka na agad dahil kalaban mo si Margaret? Anong klaseng leader ka kung susuko ka agad? Tingin mo matutulungan mo yung mga ka-team mo sa gagawin mong pagsuko?"

          "Eh paki mo ba?! Alam mo namang mainit dugo sa akin ni Margaret di ba? Saka nakita mo ba mga ka-team nya?! Lalaki lahat! Kahit na di na sya mag-effort humila, mananalo pa din sila! Anong laban natin sa kanila?! Wala—"

          "Paano mo susukuan ang isang bagay na hindi mo pa nasusubukang gawin at nilalagyan ng effort para gawin huh?" sabi nya saka mahinang pinitik yung noo ko. "Mag-isip ka nga! Anong silbi namin dito? Tingin mo ba hindi ka namin tutulungan sa laro na 'to huh?"

          Wala sa loob na nakagat ko yung pang-ibabang labi ko para pigilang sumagot at umiyak o mainis kasi may point na naman si yabang.

          Okay. Nakalimutan ko na team nga pala kami dito. Na hindi ko lang pala laban ito. Laban ng team namin ito. Na hindi ako dapat sumuko agad kasi hindi pa naman nagsisimula ang laro.

          Na tama na naman yung mayabang na si Kaizer Buenavista at mali na naman ako!

          "Kaya kumalma ka lang pwede?" mahinahong sabi nya saka pinatong yung kalahati ng braso nya sa ulo ko. "Mananalo tayo dito. Maniwala ka lang."

          Napatango na lang ako ng wala sa oras saka humingi ng sorry sa mga kasama ko.

          At alam nyo ba ang nakakakonsensya? Nginitian lang nila ako at binigyan pa ng support!

          Nahihiya tuloy ako sa inarte ko kanina at pagbabalak na mag-quit sa game.

          "Okay teams! Pumunta na kayo sa mga lines nyo!"

          Tinawag na kami ni Ma'am matapos nya kaming bigyan ng three minute break para mag-isip ng strategy kung paano mananalo.

          Pero anong ginawa ko? Nagpanic lang ako! Hindi nag-isip! Na sinayang ko lang yung time na binigay sa amin para mag-isip sa mga bagay na wala namang kwenta!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon