Chapter 24

649K 10.4K 2.9K
                                    

Chapter 24

Sitti's P.O.V

          Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko matapos kong kumanta.

          Tiningnan ko lahat ng tao sa auditorium at lahat sila ay nanlalaki ang mata at wala ni isa sa kanila ang nagbalak magsalita kahit na natapos na ako.

          Napatingin ako sa teacher na nagka-assign sa amin ngayon at kahit sya ay may kaparehas din na reaksyon sa mukha gaya ng mga kasali din sa contest.

          Sabi na eh! Sabi na! Wala akong talent!

          Kasalanan nila 'to! Pinilit nila akong sumali dito! Wala akong kasalanan kung nabasag ko man ang mga eardrum nila! Wag nila akong sisihin! Wala akong kasalanan! Sila pumilit sa akin dito!

          "That was...wow!" sa wakas ay nakapagsalita na din si Ma'am.

          Ito na! Ito na! Papagalitan na nila ako at papaalisin sa contest! Waaaa!!!

          Pero wait! Okay din pala na maalis ako. Ayoko ko nga pala masali sa kalokohang contest na ito. Tama! Sige! Alisin nyo na ako sa contest! Dali! Tagal!

          "Your singing voice is so serene, Ms. Sandoval. You moved me!" bilib na sabi ni Ma'am sabay pumalakpak.

          "Sorry po kung pangit ang bo—po?!"

          Ano daw?! Ano daw sabi ni Ma'am?! Tama ba dinig ko?!

          'Pi-Pinuri nya ako?!' hindi makapaniwalang sa isip ko.

          "And here I thought you don't have a talent." wow! Thank you Ma'am sa puri! "You just got the stage fright sickness, I guess. Okay you can go now. Next! Miss Torres—"

          Biglang nabitin sa ere yung pagtawag ni Ma'am sa susunod na magpapakita ng talent nang bigla na lang may pumalakpak.

          Hinanap ng mata ko yung pumalakpak na iyon tapos nakita ko si MM. Sya yung nakataas ang dalawang kamay sa ere at malakas na pumapalakpak.

          'Para sa akin ba iyon?'

          Tuloy-tuloy pa din sya sa pagpalakpak nya. Pati tuloy sina Kris at Patty maging yung iba pang kasali sa contest, pumalakpak na din. Nakakahiya!

          Pero syempre, hindi kasama doon si Margaret at yung mga alagad nya.

          Ang sama ng tingin nya sa akin habang naka-cross yung mga braso nya sa tapat ng dibdib nya at kasing taas na ng Mt. Everest yung kilay nya.

          Nakadagdag pa siguro sa inis nya yung pagkaka-udlot  doon sa pagtawag sa pangalan nya ng teacher namin.

          Nagkunwari na lang ako na hindi sya pinansin saka pumunta na ng back stage saka bumaba na ng stage.

Kaizer's P.O.V

          "Ayos yung tag girlfriend mo best friend ah? May ibubuga!" sabi ni Kris sa akin sabay siko sa tagiliran ko. "Kailangan na pala naming galingan ng partner ko."

          Hindi ko na sya pinansin saka pinanuod si Sitti mula doon sa paglabas nya sa likod ng stage hanggang sa paglapit nito kay Mobi.

          Hindi nya nasabi sa akin na maganda pala boses nya. Tapos parang kanina lang pinoproblema nya yung magiging talent nya?

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon