Chapter 18

695K 10.3K 3.2K
                                    

Chapter 18

Sitti's P.O.V

          February 14. Valentines Day. Ang pinaka sinusumpa kong araw sa lahat ng araw sa kalendaryo.

          Bakit? Tsk! Kailangan nyo pa ba akong tanungin?

          Hearts. Cupids. Chocolates. Flowers. Balloons. Lovers. At kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa salitang "romance".

          Hindi ko lang talaga maintindihan yung mga tao kung bakit kailangan pang i-celebrate yung Valentines Day. Lalo na yung may mga love life.

          Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong meron at bakit sobrang espesyal ng Valentines sa mga taong naniniwala sa "love at romance". Pero doon talaga ako naiinis sa mga magsosyota eh!

          Yung tipong bigay todo sila sa pagbibigay ng kung ano-ano sa partner nila just to show how they love one another. Bakit? Hindi mo ba pwedeng ipakita iyon sa ibang araw except February 14? Ano bang meron sa February 14 at kailangan mong magpakita ng todo effort sa taong mahal mo?

          Hindi mo ba kayang mag-effort araw-araw? Bakit tuwing February 14 lang?

          Hindi ba, kung talagang mahal mo ang isang tao, lagi mong ipapakita at ipaparamdam sa kanya na mahal mo sya at hindi iyong sa Valentines Day lang?

          Hindi ko talaga ma-gets mga takbo ng utak ng tao minsan! Tsk!

          Saka, kung gustong-gusto nilang i-celebrate ang araw na 'to, dapat ginawa na lang nilang holiday ang February 14!

          "Makapagfacebook na nga lang!" sabi ko sabay bangon sa kama ko at naglakad papunta sa harap ng computer ko.

          Nagpapicture muna ako. Nagselfie. Yung annoyed look selfie bilang pakikiisa sa celebration ngayong araw sabay in-upload ko agad sa Facebook bilang status.

          [Happy Valentines Day!] yan yung nakalagay sa status ko na may naka-attached na annoyed selfie ko.

          Dami agad naglike na mga ka-Facebook friends ko. Hindi ko talaga personal na kilala yang mga tao na yan but gaya nga ng  nasabi ko na noon, I treat them as my real friends...kahit na nga sa online world lang.

          Takot ko lang makipag-EB! Mamaya kidnapper pala yung isa sa mga yan o di kaya nagbebenta ng parte ng katawan ng tao. Usong-uso pa naman yung mga ganoon ngayon.

          Biglang nag-pop sound yung speaker ng PC ko sensyales na may bago na namang notification ang dumating sa akin.

          At ganoon na lang ang pagtaas ng kilay ko ng makita ang line na 'to

          Kaizer Buenavista (friend of Patty Santos) liked your status.

          Rereplyan ko na sana sya ng annoyed reply kasi nga annoyed ako ngayong araw—dahil nga sa Valentines—pero bigla kong naalala yung naging pag-uusap namin kahapon. Yung sinabi nya sa akin kahapon.

          "Ayokong may nasasaktang ibang babae ng dahil sa akin."

          Bigla akong napahawak sa tuktok ng ulo na para bang nandoon pa din yung kamay ni yabang.

          Bakit kaya ang bait nya sa akin kahapon? Dahil lang sa ayaw na nya akong awayin? Pero kahit na! Bakit kailangan nyang maging mabait di ba? Anong nakain noon? Kung ano man yun, sana araw-araw syang kumain noon!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon