Chapter 16

721K 12.7K 3.5K
                                    

Dedicated ito kay marion_elli kasi isa sya sa mga nanalo sa first group activty ng group ng MTB. CONGRATULATIONS! Sali po kayo sa group namin! Nasa profile info ko po yung mga links :)

Chapter 16

Sitti's P.O.V

          Tinalo pa ng dami ng tao sa Ultra yung dami ng tao sa loob ng gym ngayon.

          Hindi ko alam kung bakit ang daming tao dito ngayon at kung bakit ba sobrang big deal ang basketball match something na 'to sa mga taga-Eastton.

          "Ah...nakalimutan ko. Baliw nga pala mga tao dito."

          "May sinasabi ka, Sitti?"

          Ngumiti na lang ako sabay iling kay Patty nung bigla syang humarap sa akin.

          "Grabe! Full house na agad!" sabi ni Patty habang hila-hila ako. "Iba talaga pag nagsama dalawang sikat! Tsk! Kailangan kong makakuha ng scoop dito!"

          "Scoop?" takang sabi ko.

          Humarap ulit sa akin si Patty. "Oo. Scoop. Alam mo na? Para sa school paper?"

          Napatango-tango na lang ako. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na member ng school committee at school paper si Patty.

          Sikat na babae na maganda na at matalino. Sana lahat ng tao sa Eastton gaya ni Patty...matalino.

          Hindi sa hindi ko nilalait ang mga "schoolmates" ko. Wala lang kasi akong makitang dahilan para purihin sila.

          Alam nyo yun? Sa bawat araw ng buhay estudyante nila puro tsimisan na lang lagi nilang ginagawa. Kaya hindi nyo ako masisisi kung medyo hindi maganda impression ko sa mga nag-aaral sa school na 'to.

          'Kailangan ko na talagang lumipat ng school next year bago pa ako mahawaan ng kabaliwan ng mga tao sa school na 'to!' sa isip ko.

          Ilang oras na kami nagpa-ikot-ikot sa mga bleachers sa gym, naghahanap ng bakanteng upuan. Pero ni isa, kahit masikip na space, ay wala kaming nakita ni Patty.

          "Okay! Halika na! Uwi na tayo Patty!" ako na naman ngayon ang humila sa kamay nya nung makarating na kami sa last set ng bleachers ng gym.

          Nung akala ko natatangay ko na si Patty paalis ng gym, saka naman may sumulpot na hadlang sa pag-alis ko sa gym.

          "Dito kayo oh."

          Tinapunan ko ng masamang tingin si Mobi nang magsalita sya sabay turo sa bakanteng pwesto sa tabi nito.

          Hindi ko nga alam kung kailan pa sya naupo doon kasi sure na sure ako na hindi ko sya nakita sa pwesto na yun kanina at sure na sure din ako na wala akong nakitang tatlong bag ng marshmallow na nakaharang sa daan namin palabas.

          'Na set-up ako!'

          "Hay sa wakas! Free sit!" nakahinga ng maluwang na sabi ni Patty.

          "Patty, alam mo, wala akong balak—"

          Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bigla na lang nyang hilain yung kamay ko para pwersahan akong mapaupo sa bakanteng upuna sa gitna nilang dalawa ni Mobi.

          "Upo ka na! Magsisimula na yung laban!"

          Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang sa pwesto ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon