Chapter 33

634K 8.9K 1.3K
                                    

Chapter 33

Sitti's P.O.V

[Flashback]

          "Hoy! Sumama ka bukas ah?!" pagalit na sabi sa akin ni yabang.

          "Huh? Eh ayoko ko nga eh! Saka malayo ang Eigaku ano!" padabog na sagot ko.

          "SUMAMA KA!" madiin na sabi nya saka dinuro-duro na naman nya yung noo ko. "Kailangan nandoon yung girlfriend ko! Suportahan mo naman ako!"

          Para kaming mga sira na nagsisigawan dito sa may rooftop. Buti na lang at dito nya ako naisipang dalhin kasi kung hindi agaw eksena na naman kami sa ibang estudyante ng Eastton.

          Nagtataka kayo kung bakit kami nandito?

          Actually, madami kami dito. Kasama namin sila Patty, Kris at Mobi kanina. Eh bumaba si MM kasi bibili daw sya ng marshmallow bread na bagong tinda sa canteen. Sinamahan ni Kris si MM kasi baka daw tangayan ng siksikang pila sa canteen. Si Patty naman bumaba na din para magbanyo.

          Kaya heto. Kaming dalawa na naman ni nag-aalburutong si Kaizer Buenavista ang naiwan sa rooftop.

          Inis kong inalis yung daliri nya sa noo ko.

          "Bakit ba lagi mong inaapi ang noo ko ah?! Ano bang ginawang masama ng noo ko sa'yo?!" inis na sabi ko habang hinihimas-himas yung noo ko.

          "Kasi para maintindihan mo mga sinasabi ko!" sabi nya saka dinuro ulit yung noo ko pero mabilis ko ding hinawi yung daliri nya.

          "Bully ka ng mga noo!" malakas ko. "Kaizer, the forehead bully!"

          "Umandar na naman pagkabaliw mo!" sabi nya saka pinitik yung noo ko. "Basta pumunta ka bukas!"

          Nagtataka kayo kung bakit hindi ngayon yung laro nila di ba? Kasi sa last naming pagkikita, next day na yung game nila laban sa Eigaku di ba?

          Pero dahil sa mga unexpected na pangyayari—di ko alam kung ano at wala akong pakialam kung ano—naurong ng isa pang araw yung game. Kaya heto, pahinga muna yung buong team ng school para makondisyon daw sila sa laro nila na naudlot bukas.

          "Ayoko ko nga eh!" madiing sabi ko sa mukha nya saka ako naman ngayon yung nagduduro sa noo nya. "Saka anong girlfriend-girlfriend ka dyan! Tagt girlfriend mo lang ako ano! Saka di ba sabi mo kapag tayong dalawa lang pwede tayong hindi umarte?"

          Actually, hindi naman kami umaarte kasi wala naman kaming pakialam sa sasabihin ng iba eh! Kaya lang si Kaizer minsan, inaatake ng role play mode nya kaya minsan nadadala na lang ako sa flow ng eksena.

          At oo, nasabi na nya sa akin iyon noon. Di ko lang naikwento sa inyo.

          "Kahit na!" madiin din sabi nya saka dinuro na naman yung noo ko. "Tag girlfriend o true girlfriend, wala akong pakialam! Basta pumunta ka! Tapos!"

          "Wag mo ngang dinuduro noo ko!" sabi ko saka mas diniinan yung pagduduro sa noo ko.

          "Tigilan mo din pagduro sa noo ko baliw!"

          "Mayabang!"

          "Baliw!"

          "Mayabang!"

          "Ba—"

          "Wow! Ang sweet naman! Yan na ba ang bagong PDA style ngayon?"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon