Chapter 41

485K 8.8K 1.5K
                                    

Chapter 41

Kaizer's P.O.V

          Bigla akong napaayos ng tayo mula sa kinasasandalan kong pader nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni Sitti saka lumabas si Patty.

          "Kumusta na sya?" mabilis kong tanong.

          "Okay na naman sya. Natakot lang talaga sya doon sa pagkakaiwan nya doon sa loob ng haunted house." paliwanag ni Patty sabay bumuntong-hininga. "Kawawa naman si Sitti. Hindi nya siguro araw ngayon."

          "O baka naman may nagplano na gawin sa kanya 'to?"

          Bigla kaming napatingin kay Kris nang bigla syang magsalita.

          "O bakit kayo ganyan makatingin?" kunot-noong sabi nya. "Nagsasabi lang ako ng possibility mga kapatid! Ano bang malay nyo? Baka may nangtitrip kay Sitti."

          "Bakit naman nila gagawin 'to kay Sitti? Wala namang ginagawa yung tao sa kanila ah!"

          Hindi na ako nakasali sa pag-uusap ni Kris at Patty. Natigilan kasi ako doon sa sinabi ni Kris.

          Hindi kasi imposible iyong sinabi nya.

          Paano kung may gumagawa nga nito kay Sitti?

          Kung doon sa bus nagdududa na ako. Dito pa kaya sa nangyari sa haunted house?

          Nag-isip ako ng malalaim. Paano nga kung sinadyang takutin si Sitti?

          Napatingin ako sa may pintuan nng kwarto ni Sitti.

          Nasa loob ngayon si Mobi at Sitti. Kahit na naiinis ako na nagpaiwan yung dalawa sa loob, pinabayaan ko na lang.

          "Kris!"

          Natigil sa pagtatalo yung dalawa saka sya napatingin sa akin. "Bakit Kai Kai?"

          "Samahan mo ako." sabi ko saka nilagapsan silang dalawa.

          Hindi ko na nilingon kung sumunod ba si Kris sa akin o hindi dahil alam ko namang susunod sya.

          At isa pa, busy ang utak ko sa pag-iisip sa kung sino ang pwedeng gumawa ng bagay na ito kay Sitti.

          'Malalagot ka talaga sa akin oras na makilala kita!'

Sitti's P.O.V

          Ilang beses kong inihampas yung mukha ko doon sa malambot na unan sa kama ko saka sumigaw ng napakalakas.

          At dahil sa nakalubog nga yung mukha ko sa unan, walang ibang makakarinig sa sigaw ko kundi yung unan at si MM na nasa kwarto namin ni Patty ngayon.

          "Nakakahiya talaga!" inis na sabi ko saka umayos ng upo doon sa kama.

          Matapos kung kumalma—at salamat sa mga kwento ni MM tungkol sa nangyari—hindi na tuloy mawala yung kahihiyan at pamumula sa mukha ko.

          Niyakap ko daw si Kaizer! NIYAKAP KO DAW SYA!

          "Nakakahiya!" sigaw ko ulit saka ko kinuha yung unan at ibinaon iyon sa mukha ko.

          Okay! Paano ko sya haharapin ngayon huh?! Hindi ko naman sya pwedeng iwasan dahil nakatira lang kami sa iisang bahay. Sa kabilang side lang yung kwarto ng mga lalaki. Sabay-sabay kaming kakain sa sala.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon