Chapter 52

415K 9.4K 3.4K
                                    

Sensya sa mga TYPOS. Tamad mag-edit si ako. ^______^v Mwahahahaha!!!

Chapter 52

Kaizer's P.O.V

"Hindi naman malala ang lagay ng pasyente. Medyo nagalusan lang sya ng kaunti sa noo pero wala naman kayong dapat ikabahala. Malayo sa utak ang sugat nya."

"Salamat po doc."

"Walang anuman. Pero ilang araw din mag-iistay ang pasyente dito sa ospital. Kailangan nyang makarecover sa post traumatic stress na dala nang nangyari sa kanya."

Sabay kaming napatango ni Tita Aimee sa sinabi ng doktor bago ito umalis.

"Sino bang may gawa nito sa anak ko?"

Napakuyom ako sa kamao ko nang makita ko ang pag-iyak ni Tita Aimee habang hawak-hawak nya yung isang kamay ni Sitti na may dextrox.

Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ko, sa kamao ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katinding galit sa tanang-buhay ko.

At sisiguraduhin ko na magbabayad ang kung sinumang gumawa nito kay Sitti.

"Magigising pa naman ang anak ko di ba, Kaizer?" naluluhang humarap sa akin si Tita.

Marahan na lang ako tumango sa kanya bago nagsalita. "Opo Tita. Ang sabi ng doktor kailangan lang natin maghintay na magkamalay sya. At isa pa po, malakas si TG. Alam kong gigising na din po sya maya-maya."

Dahil oras na hindi magising si Sitti, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa mga taong gumawa nito sa babaeng mahal ko.

At sisiguraduhin kong igaganti ko si Sitti sa lahat ng ginawa nila sa kanya.

Sinusumpa ko yan!

Sitti's P.O.V

Napunta ako sa lugar na puro puti ang paligid tapos may nakikita din akong manok.

Manok? Nasaan ba ako? Nasa farm?

Patuloy akong naglalakad sa may puting lugar na ito, tapos huminto ang mga paa ko sa tapat ng isang sapa.

Sa kabilang side ng sapat ang daming bulaklak. Iba-iba ang kulay. At may nakikita din akong mga taong masayang naglalaro sa kabilang side ng sapa.

"Parang gusto kong pumunta doon." sabi ko saka ko hinakbang ang paa ko sa sapa.

Pero agad ko ding inalis yung paa ko doon saka patalon na umatras sa may sapa.

"Ang lamig naman ng tubig dito! Hello! Uso kaya heater!" sigaw ko sa kawalan.

"Sitti."

May naririnig akong boses. Boses ng isang lalaki. Malalim na boses ng lalaki.

"Sitti! Sitti!"

"Yes Kuya?"

Teka! Tama ba yung nasabi ko? Para kasing kagaya nung sa isang reality TV show yung paraan ng pagkakasabi ko.

Aish! Hayaan na nga!

"Wag kang tatawid sa sapa na yan. Delikado." ka-boses nya talaga si Kuya!

"Alam ko po. Sobrang lamig ng tubig baka manigas ako sa lamig." sabi ko sa ere. "Teka! Nasaan ka ba? Big brother ikaw ba yan?"

"Sira! Hindi ako iyon! Iba ako. Ako ang mayor dito."

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon