Chapter 2 - Changed

6.4K 109 3
                                    

  Chapter 2 (Changed)

 (Ariana's POV)

"Wala pa ba si Gray?" tanong ko kay Violet.

"Wala pa, may pictorial siya sa isang magazine ngayon kaya busy siya" sagot nito.

  Parehas kami ni Gray ng manager at agency, pero halos lagi kaming magka-iba ng projects minsan lang kami kung magsama.

 *Flashback*

Sa pagsama ko kay Gray minsan nakaka-limutan ko na ang mga taong nandoon sa pilipinas, one time sumama ulit ako sa pictorial ni Gray at may isang photographer doon na nakulangan ng model na magiging partner sana ni Gray, nakita ako ng photographer na yun at pinaki-usapan ako kung pwede akong sumama kay Gray sa litrato lang, napapayag niya naman ako.

  Hanggang sa matapos yung shoot ' at nilapitan ako ng manager ni Gray na si Violet Tan, matanda lang siya sa amin ni Gray ng 4 years. Tinanong niya ako kung gusto ko daw maging modelo, subukan ko daw. Nung una ayoko talaga ' pero nung si Gray na ang kumumbinsi sa akin pumayag na ako, kahit ilang buwan lang daw.

  Pero bawat photo shoot / Pictorial na ginagawa ko nae-enjoy ko yun, hanggang sa pumirma na ako ng 2 years contract sa Agency nila Violet. Tapos nasundan pa yun ng nasundan, sumikat na rin ako sa New York ... Nakapunta pa nga ako sa iba't-ibang bansa dahil sa pagmo-model.

  *End of Flashback*

  Sa unang taon namin na magkasama ni Gray, kinain niya rin ang mga sinabi niya noon, kasi siya mismo ang umamin na gusto niya na daw ako, di ko alam nung una ang sasabihin ko, may time na umiiwas ako sa kanya kasi natatakot ako na baka saktan at lokohin niya lang din ako pero habang tumatagal, hanggang umabot kami ng taon nandoon pa rin siya sa tabi ko at lumalim pa ang nararamdaman niya, dahil habang tumatagal minamahal niya na daw ako, naniniwala ako sa kanya dahil walang araw na pinaramdaman niya sa akin na hindi ako ibang tao.

  Hanggang ngayon wala kaming label pero kuntento na kami doon kasi daig pa namin ang mga may relasyon, we do hugging, kissing ' hanggang doon na lang, pero minsan sa unit ko siya natutulog, minsan naman ako natutulog sa unit niya at nagtatabi kami sa kama, pero di siya nagte-take advantage.

   Sinungaling ako kung sasabihin kong wala akong nararamdaman sa kanya, dahil ang totoo sa paglipas ng limang taon minahal ko na din siya. Di naman ako papayag sa mga treatment na ginagawa namin kung wala akong nararamdaman para sa kanya.

  "Bukas!" sagot ko. Nagtaka naman si Violet sa sinabi ko. "Bukas ko pupuntahan, di ako sumipot sa pictorial na yun dahil masama ang pakiramdam ko"

  Lumambot naman ang expresyon ng mukha niya "Okay, pakikiusapan ko sila ' magpahinga ka na at aalis na ako ... ipapaalala ko lang marami ka pang appointments sa mga susunod na araw" - Violet ... nag okay sign lang ako at tuluyan na siyang umalis sa unit ko.

I Wanna Make You Mine AGAIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon