Chapter 47

484K 8.6K 968
                                    

Chapter 47

Kaizer's P.O.V

"Bakit nga ulit tayo ang nautusan para bumili ng mga pagkain?" bagot na sabi ko habang tinitingnan yung listahan na hawak ko.

"Kasi nagprisinta si Mobillow." sagot ni Kris sabay tingin sa kaliwa nya. "Naubusan na daw kasi sya ng baon nya kaya gusto nyang sumama sa bayan."

"At bakit ulit ako nasama sa pamimili na 'to?" bagot ulit na tanong ko.

"Kasi best friend kita."

Sabay naming binigyan ng bagot na tingin si Mobi.

Sya lang pala ang may gustong umalis sinama pa kami. Tsk!

"Seryosohan na pala kayo ni Sitti ano?"

Bigla akong napaharap kay Kris ng bigla syang magsalita habang naglalakad kami pababa sa bayan para maggrocery.

"Bakit? May problema ka ba doon?" kunot-noo na tanong ko.

"Wala naman." nakangiting sagot sa akin ni Kris habang nakatingin sya sa langit. "Nakakatuwa lang isipin na nagkagusto ka sa fake girlfriend mo at babaeng kinaiinisan mo din."

Napatingin na lang ako sa kanya saka di sya pinansin.

"Masaya kami ni Mobillow na makita ka na naka-move on na kay Mia." sabi ulit ni Kris saka humarap sa akin. "Sana magtagal kayo. Masaya kaming mga best friend mo para sa inyo."

Tinanguan ko na lang yung sinabi ni Kris at ganoon din ang ginawa nilang dalawa ni Mobi.

Siguro nga tama sila na malaki ang naging papel ni Sitti sa buhay ko at para makalimutan ko si Mia. Kung hindi pa nabanggit ni Kris ang pangalan na iyon hindi ko pa sya maaalala.

Nakalimutan ko na nga ba si Mia? Siguro. Ewan. Hindi ko alam.

Ang alam ko lang, hindi na gaya ng dati yung nararamdaman ko para sa kanya. Na mas naiisip ko pa yung baliw kong girlfriend kaysa sa kanya.

"Pero seryoso lang Kai Kai. Niligawan mo ba si Sitti habang nakatalilod kami? Ikwento mo naman sa amin kung paano ka nagkagusto kay Sitti."

"Huh?"

Napatingin na din sa aming dalawa si Mobi at mukhang intetesado na din sya sa pinag-uusapan namin ni Kris. Nakatitig lang din si Kris sa mukha ko.

"Teka! Wag mong sabihing hindi mo niligawan si Sitti?!"

Niligawan? "Bakit ko pa gagawin iyon? Eh di ba girlfriend ko na sya?"

Huminto sa paglalakad nya si Kris kaya nilingon namin sya ni Mobi.

"O? Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Dalian mo na ng makauwi na tayo!"

"Hindi mo niligawan si Sitti?!" gulat at hindi makapaniwalang ulit nya.

"Aish! Wag ka ngang sumigaw sa mukha ko dahil naririnig naman kita!"

"Hindi mo nga niligawan si Sitti?!" ulit na naman nya. "Kaizer Buenavista, alam mo ba na ikaw yung first boyfriend ng tao na iyon?"

"Oo. Bakit?"

Ilang sandali akong tinitigan sa mukha ni Kris saka nya ako tinitigan mula ulo hanggang paa.

Tsk! Umandar na naman pagkabaliw ng isang 'to. Bakit ba napapaligiran ako ng mga taong baliw huh?

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon