Chapter 41:❤️Enchanted Kingdom (JulQuen)

992 18 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Ikaw DJ kung End of the World na anong gagawin mo?" Tanong naman sa akin ni Tito Boy. Lahat ng cast ng 24/7 Inlove nandito.

Pagka-uwi namin galing sa U.S. pahinga kami ni Kath ng 1 week tapos nag-taping na kami ng 24/7 Inlove kung saan isa kami sa mga cast dito. Back to interview tayo, teka ano nga kaya ang gagawin ko kung End of the World na?

"Gusto ko po na kasama ko ang pamilya ko at si....." Hindi ko naman pwede sabihin na si Julia kaya....."Kathryn po" Nagtilian naman ang mga Fans namin na naririto ngayon. Pati sina Tito Boy kinilig din sa sagot ko.

"Okay ang pamilya mo at si Kathryn ang gusto mong makasama eh ikaw Kathryn?" Tumingin muna sa akin si Kath bago sumagot.

"Syempre po family ko rin and si DJ syempre" And again tilian nanaman ang mga fans namin.

After ng interview na toh may Premiere Night pa kami na gaganapin sa may MegaMall. Palagi naman dito nagaganap ang Premiere Night ng mga pelikula.

Pagdating namin dun sinalubong kami ng maraming-maraming tao bukod kasi sa amin ni Kath nandito rin sina Ate Kim at Kuya Gerald.....AWKWARD..... Sina Ate Maja at Kuya Diether Ocampo, sina Ate Bea at Kuya Zanjoe, Xyriel, Zaijan tsaka si Kuya Piolo, Ate Angelica at Kuya John Llyod ang lalaking matagal ng crush ni Julia. Si Ate Pokwang at Kuya Sam.

Nang kami na ang naglakad sa may red carpet nagtaasan ang mga tarpaulin namin ni Kath na KathNiel Lovers, Silent KathNiel at kung anu-ano lang mga grupo ng nga KathNiel Fans. Naghiyawan at nagtilian silang lahat kaya medyo ang sakit sa tenga pero kahit ganun nakakatuwa dahil nandyan ang suporta nila para sa amin ni Kath.

May inabot naman na flowers kay Kath kaya ako na ang nagdala nun. Naupo na kami sa mga upuan na nandito at may mga reporter nanaman na magtatanong sa amin.

Nag-uusap lang kami ni Kath dito habang iniinterview ang mga ibang casts nasa dulo kasi kami eh.

"Nabigay mo na ba yung award na naiwan ni Julia sa may Event nun?" Bigla namang natanong ni Kath.

"Ay! oo nga pala nakalimutan ko" Nakalimutan kong ibigay sa kanya kasi sobra akong naging busy nitong past few days.

"DJ! DJ!" Tawag naman nung nagiinterview kami na pala.

"Mukhang napasarap ang kwentuhan ninyo ni Kath ah? Share niyo naman" Napangiti na lang kami ni Kath sa sinabi niya. Naisip ko kasi si Julia kaya di ko narinig.

"Ang role mo dito Kath ay Die Hard Fan ni Billy Fernandez which is portrayed by Daniel Padilla. Kung ikaw ang tatanungin ano ang mas gusto mo maging Die Hard Fan ni Daniel sa real life o ganito na magkapartner kayo?"

"Para sa akin po yung ganito na palagi kaming magkasama sa mga serye or movie, kasi kung Die Hard Fan lang parang titili-tili lang ako atleast kung sa araw-araw na kasama ko siya masasabi ko na mas okay yun sa akin na ako ang maging partner niya"

"Yun ang sagot ni Kath, DJ ikaw naman ano ang mas gusto mo magkaroon ng Fan katulad ni Kath o siya mismo ang magiging kapartner mo sa mga projects mo?"

"Para sa akin naman po siguri mas maganda kung Fan na lang po para inspired po ako sa pagtatrabaho ko" Tapos si Julia ang partner ko sa mga proyekto. Fan na lang si Kath para si Julia ang Leading Lady ko.

"Ano na ba ang status ninyo ni Kath for now DJ? MU? In A Relationship?"

"Sa ngayon po wala pang progress pero espesyal po sa akin si Kathryn. Kasi liligawan ko lang po siya kapag nag-18 na siya ayaw niya po kasi may sagabal habang nagwowork kami tsaka madali lang naman po yun dahil alam ko po na these next years kami pa rin ang magka-loveteam na dalawa"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now