TD - 38

91.4K 1.4K 720
                                    

CHAPTER 38

ALEX'S POV

Nagluluto ako ng Kare-kare na sabi ni Tita Kathryn eh isa sa mga paborito ni Casimir.

Naramdaman ko naman bigla ang mga braso niyang yumakap sa akin mula sa likod.

"Casimir, nagluluto ako."

"Ganito pala pakiramdam ng nilulutuan ng asawa. You should do this often, princess." He kissed my shoulder.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nang matapos na ako sa pagluluto at siya sa pangungulit eh hinain ko na iyon sa lamesa at pinuntahan ang kapatid ko. Hawak kamay kaming pumunta sa kusina at nakaupo na si Casimir doon.

"Ayan na ang kaagaw ko sa pagkain na luto mo." He teased.

Nag-hand sign ako at sinabi ang kung anong sinabi ni Casimir. Sinamaan siya ng tingin ni Axel at sinipa sa paa bago naupo. Natawa ako sa ginawa ng kapatid ko pero pinagsabihan ko rin siya na mali 'yon.

Hindi halos mawala ang ngiti ko habang kumakain kami dahil sa masayang itsura ni Casimir na ninanamnam ang luto ko. Nakakataba ng puso.

"Next time Caldereta naman!" suggestion niya.

Tumawa ako. "Sige pero ubusin mo na muna 'yang nasa pinggan mo. Akala mo naman aagawan 'to ah."

Tumingin siya sa kapatid ko at, "Aagawan talaga ako."

Wala namang pake ang kapatid ko basta nakaka-kain siya. Pasensiya na, malaki-laki pa ata ang space sa tiyan niya eh. Malusog ho kasi itong batang 'to.

Matapos kong maghugas ng pinggan ay naabutan ko si Casimir na nagdo-drawing ng spongebob sa bond paper at tuwang-tuwa naman si Axel sa kaniya, parehong naka-salampak sa sahig. Magaling naman talaga kasi si Casimir eh, walang duda 'yon. Naupo na lang ako sa sofa at pinanuod silang dalawa na nagku-kulay at nagdo-drawing.

He is an artist.

He is an artist not just because he draws well but because he can make a kid very happy because of his simple work. Para sa akin higit pa 'yon kaysa sa ma-recognize ka sa buong mundo. 'Yung may mapasaya kang tao eh sapat na to be great in your field.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon