Chapter 35

592K 11.2K 4.5K
                                    

Chapter 35

Sitti's P.O.V

          Sa nakalipas na 10 minuto, natahimik ang buong gym ng Eigaku. Kahit ako nanlalaki yung mata ko sa napapanuod ko.

          Paano ba naman, mula nang maglaro ulit sila Kaizer, magmula ng bumalik sila sa court matapos syang pagalitan ng coach nila, naging sunod-sunod na yung score ng Eastton. Unti-unti na silang nakakabawi sa napalaking agwat ng puntos nila sa score ng kalaban.

          Ayos din pala na pagalitan si Kaizer ao? Gumagaling eh!

          "Galing ni Kaizer di ba?" biglang nagsalita si Patty na nakaupo sa tabi ko.

          Sya nga pala, matapos nung "PDA" namin ni Kaizer—yung bigla nyang pagyakap sa akin sa harap ng maraming tao—biglang lumapit sa akin sila Patty at MM na nasa may bleachers pala at isa sa mga naging saksi sa nakakadiring pagpi-PDA namin ni yabang.

          Tapos ngayon nandito na kami sa may bench nila Kaizer nakaupo kasama yung ibang players na nakabangko at nagpapahinga pati na din yung coach nila na 100% sure ako na bakla.

          Sobrang higpit ng laban. Walang gustong magpatalo. Sobrang higpit ng depensa ng bawat team sa kabila at lagi nilang na-iisteal yung bola.

          Pero kahit ganoon, sa bandang huli, sila Kaizer para ang nakakascore.

          "Matagal na ba syang naglalaro ng basketball?" curious na tanong ko kay Patty saka panandaliang inalis ang tingin ko sa mga naglalaro.

          "Hindi naman." sabi ni Patty. "Nagsimula lang naman sya maglaro nang makilala nya si—"

          Hindi na natuloy ni Patty yung sasabihin nya nang bigla na lang lagyan ni MM ng dalawang malaking marshmallows yung bibig ni Patty.

          "Ano ba MM?!" hindi makapaniwalang sabi ko saka ko tinampal yung likod ni Patty nang bigla itong mabulunan sa ginawa ni Mobi. "Bakit mo ginawa iyon?!"

          Hindi lang sya nagsalita. Tahimik lang syang kumakain ng marshmallows nya habang tututok na tutok yung mga mata nya sa court.

          "Hayaan mo na sya Sitti." sabi ni Patty sabay napatingin kay Mobi.

          Ewan. Pero medyo kakaiba yung tingin ni Patty kay Mobi. Alam mo yung tingin na naguguilty o humihingi ng sorry? Ganoon.

          Pero ang pinagtataka ko, bakit hihingi ng sorry si Patty kay Mobi? Si MM nga dapat magsorry dahil doon sa ginawa nya eh!

          "Tama naman si Mobi." sabi ni Patty na kinakunot ng noo ko. "Wala na pala akong sasabihin."

          Gusto ko pa sanang magtanong kaya lang hindi na lang din ako nagsalita pa saka tahimik na nanuod sa laro.

          Nga pala, kanina ko pa napapansin, kanina pa panay tingin sa akin si Kaizer.

          Akala ko nga si Patty at MM lang yung tinitingnan nya o di kaya yung coach nila. Pero ngayon-ngayon ko lang nalaman na ako pala talaga yung tinitingnan nya.

          "Ano bang problema ng mata noon?" mahinang bulong ko sa sarili ko saka walang pasabing bigla na lang kumuha ng ilang marshmallows mula sa bag ni MM.

          Bakit? Eh sa masarap manuood kapag may kinakain eh!

          Saka okay naman kay MM. Hindi sya nagreact eh!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon