Chapter 23

685K 11.1K 3.1K
                                    

A/N: Little mistake lang po. About sa real name ng in-o-OP ni Sitti. LYKA po talaga yung real name ng character na hawak ni Sitti. May nalagay kasi akong name na MAMI kaya sana wag po kayong malito nee?

Saka hindi pa kasi edited yung MTB dito sa Wattpad pero sa MS Word ko edited na sya. Iyon lang po. Happy reading! Sali pala kayo sa group ng MTB. Search nyo na lang sa FB yung "My Tag Boyfriend (TAGGERS)" na group. Yan po ang official group ng MTB :)

Chapter 23

Sitti's P.O.V

            [Kaizer: Mukhang masaya ka na nga sa school mo ngayon eh! Hindi gaya dati na puro reklamo na lang naririnig ko mula sa'yo.]

          Napataas ako ng kilay doon sa nireply na message nya sa akin.

          Sya nga pala, nag-open na naman ako sa Facebook at ka-chat ko ngayon yung OP ni Kaizer—na fictional character. Kaizer OP na nga lang para hindi na ako laging nagpapaliwanag sa inyo.

          Muli kong itinapat yung mga daliri ko sa may keyboard saka tumipa ng irereply sa kanya.

          [Lyka: Masaya?! Anong masaya doon?! Eh mas lalo nga yatang gugulo ang "tahimik" kong buhay dahil sa pagkakapartner ko sa Kaizer Buenavista na iyon eh!]

            [Kaizer: Hahaha! Okay lang 'yan! Isipin mo na lang na ako sya.]

          Napataas ako ulit ng kilay. [Lyka: Ano ka ba! Never na magiging ikaw yung mayabang na iyon ano! Ang bait mo kaya!]

            [Kaizer: Haha! Talaga? Thank you!]

          Magrereply na sana ako ng "you're welcome" sa sinabi nya nang bigla na naman syang nagsend ng message sa akin.

          [Kaizer: Pero seryoso, mas mukhang nagiging masaya ka na sa school mo ngayon. Di gaya noong mga nauna mong kwento sa akin. Napapansin ko na kahit papaano, lumalawak na din yung mundo mo ng dahil sa Kaizer na 'yan.]

          Napakunot-noo ako doon sa sinend nya.

          Paano nya nasabing lumawak yung mundo ko dahil kay Kaizer? Kung ang tinutukoy nya ay yung pagdami ng bilang ng mga taong may galit sa akin, oo. Lumalawak nga talaga yung listahan ng mga taong posibleng pumatay sa akin.

          Nagreply na lang ako sa kanya. [Lyka: Tsk! Iniisip mo lang iyon! Hindi kaya! Saka hindi ako masaya sa school ano!]

          Nabanggit ko din pala sa OP ni Kaizer yung tungkol sa bago at pinaka una kong best friend na si Mobi. Iyon lang siguro yung nagustuhan ko sa nangyari sa akin sa loob ng school.

          Ewan ko ba kung bakit kinikwento ko lahat ng nangyayari sa akin sa OP ni Kaizer. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya. Saka alam nya kasi yung mga lihim na inis ko sa mga taga-Eastton kaya hindi ko na kailangang magpanggap sa kanya kahit na nga nasa online pa kami.

          Sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya. Minsan nga gusto ko syang makita sa personal kaya lang natatakot din ako kasi baka hindi nya ako magustuhan sa personal kaya okay na siguro ako hanggang sa online na lang kami.

          [Kaizer: Maiba pala ako, hindi kaya may gusto ka na dyan sa Kaizer Buenavista na 'yan?]

          Nanlaki mata ko sa sinend nyang message sa akin.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon