Chapter 2

1M 19.7K 5.5K
                                    

Chapter 2

Sitti's P.O.V

          Dahan-dahan kong inilabas yung ulo ko mula sa likod ng halamanan na pinagtataguan ko ngayon.

          Nakakainis yung mga kwento na nababasa ko sa Wattpad! Sabi ng mga author sa mga story nila, kapag dumaan sa likod ng school yung mga bida nila papasok o papalabas man ng school, walang makakakita sa kanila. Na parang ang dali-dali lang maglabas-pasok sa mga school ngayon.

          Pero hindi. Mali. Maling-mali yung impormasyong nakuha ko!

          Nagtataka siguro kayo kung bakit ko nasabi iyon at kung bakit nasa likod ako ng mga halamanan ngayon di ba?

          Ganito kasi yan, plano ko kasing magninja entrance papasok sa school.

          Kaya lang, nung malapit na ako sa school, narinig ko yung usap-usapan ng mga schoolmates ko.

[Flashback]

          "Alam nyo na ba yung bali-balita?"

          "Alin doon sis?"

          Dahil may pagkachismosa ako, palihim kong nilapitan yung Goth Loli sisters. Sikat kasi na mga tsismosa ang apat na babaeng 'to sa school kaya ganoon name nila. Pero ang maganda sa kanila, laging accurate yung mga tsimis nila.

          "Yung kumakalat sa Facebook na may girlfriend na pala si Prince Kaizer natin!"

          "HUUUWAAAAAT?!!!" napasabay ako sa pagsigaw ng tatlo.

          Buti na lang talaga at nagblend yung sigaw ko sa kanilang tatlo kaya hindi nila ako napansin o yung pagsigaw ko.

          Naglakad ako paatras ng ilang hakbang para dumistansya at ng hindi nila mahalata na sinusundan ko sila.

          "Oo sis! Trulalu yun! May ebidensya kaya! Look!"

          Nakita ko yung unang nagsalita na nilabas nya yung phone nya, saka may pinakita sa tatlo pa nyang kasama.

          Mabilis akong nagtiptoe walk sa likod nung tatlo saka naggiraffe leg para makita yung sinasabi ng babae na ebidensya sa phone nya.

          Oo, tsimosa na kung tsismosa, pero gusto ko kasing malaman kung gaano na ba kalala yung sitwasyon ko ngayon.

          Muntik na akong papasigaw ng "Hinde!!!" ng makita ko yung print screen ng status ko doon sa cellphone ng babae.

          Bago pa nila ako mapansin, dali-dali akong naglakad palayo habang nakayuko at pilit inaayos yung buhok para matago yung mukha ko.

          "Lagot na lagot ka na talaga Sitti!" inis na sabi ko sa sarili ko habang padabog na naglalakad papasok sa school.

[End of Flashback]

         

          At bago pa ako makatapak sa gate ng school namin, nakita ko na yung daan-daang babae na nakacross arms, taas kilay at ready mangalbo sa hampas lupang babaeng umangkin sa "Prinsipe" nila na si Kaizer. At ako yun. Ako yung babaeng makakalbo.

          Kaya ayun! Dumaan ako sa likod ng school. May secret entrance kasi doon eh!

          Buti na lang talaga yung katabi kong si Patty, may pagkagossip girl din ang dating (ayaw nyang tinatawag syang tsimosa. Not so sosyal daw.) kaya nasabi nya sa akin yung tungkol sa sekretong daanan sa likod ng school.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon