Chapter 3

1M 17.1K 3.9K
                                    

Chapter 3

Sitti's P.O.V

          "Okay! So ito ang rules ko. No touching. No holding hands. No akbayan. No hawakan sa bewang. No dating. No paghatid-sundo papunta sa school. No to gala. No to smoking, drinking, drugs and pornography. No trash talk. No to adult stuffs—if you know what I mean." sabi ko sabay siko sa tagiliran nya. "No to daysary, weeksary, monsary and anniversary. No to flowers, chocolates and bears—okay pwede chocolate kasi sayang yun. No to endearment. No to texting and calling every night. And especially, no—as in no—no kissing. Naiintindihan mo?"

          Titig na titig lang sya sa mukha ko, nakakunot-noo.

          Hindi ko alam kung ano ba iniisip nya o ano.

          "No to too much staring din pala." sabi ko saka sinulat yung sinabi ko sa yellow pad. "Okay! Ayan na! Tapos na!" dagdag ko pa sabay iniharap sa kanya yung yellow pad. "What do you think?"

          Ilang sandali pa syang tumingin sa mukha ko saka sya napasandal sa upuan nya at inangat yung isang kamay nya saka napahawak doon sa gitna ng noo nya at sandaling hinilot-hilot iyon.

          "Bakit? May problema ba?"

          "Alam mo ba kung ano ang problema ko?" umiling lang ako sa kanya. "IKAW!"

          Muntik na akong liparin sa lakas ng boses nya. "Grabe! Kailangan ba talaga may kasamang sigaw kapag magsasalita ka? Pwede namang bulong lang di ba? Hello?! Kaharap mo lang kaya ako!"

          Tinitigan nya lang ulit ako saka sya napailing.

          Sya nga pala, kung nagtataka kayo kung anong nangyari matapos yung eksena sa likod ng school, ayun! Dinumog kami ng tanong.

          Pero syempre, dahil maparaan ang bida sa kwento na 'to, hinila ko yung mayabang na si Kaizer Buenavista papunta dito sa may roof top ng school namin at saka namin pinag-usapan yung magiging rules at regulations sa relationship namin. At syempre, para makatas sa gulo.

          Well, ako lang pala ang nagplano kasi sya napaka-uncooperative! Isang oras na yata akong nagdadadaldal sa harap nya pero sya? Ayun! Nakatanga lang sa mukha ko!

          Wala sanang ganito kung di dahil doon sa sinabi nya eh! Grrrrr! Kakainis talaga sya!

          "Nababaliw ka na talaga!" sabi nya sabay napatayo sa upuan nya. Oo, may dalawang bakanteng upuan dito sa may roof top. Madami kaming extrang upuan dito.

          "Bakit? May kulang pa ba dito sa sinulat ko?" kunot-noong sabi ko saka binasa ulit yung mga rules na nakasulat dito.

          "Baliw ka na!" malakas na sabi nya saka ako hinawakan sa magkabila kong balikat na ikinagulat ko ng sobra. "At sa tingin mo ba talaga makikipagrelasyon ako sa'yo huh, Miss? Ni hindi nga kita kilala eh!"

          Taas-kilay ko syang hinarap saka inalis yung mga kamay nya sa balikat ko.

          "Wow! Sana naman sinabi mo na yan sa akin kanina pa o di kaya nung minessage mo ako sa Facebook para naman hindi ako kinuyog ng mga babae mo!" pagdidiin ko sa salitang iyon.

          "Hoy! Wag mo nga akong pagsasalitaan ng ganyan! Saka, anong mga babae?! Miss, baka nakakalimutan mo, ikaw ang may atraso sa atin dito at hindi ako!" pag-eemphasize nya sa salitang ikaw. "At isa pa, wala akong balak syota-in ka dahil hindi ako pumapatol sa baliw!"

          "Huh! Baliw pala ah?" bumalik na naman yung init ng dugo ko sa lalaki na 'to. "Sino bang baliw sa atin huh?! Sino bang baliw yung bigla na lang yumakap sa bewang ko at sinabi na "Bakit? May problema ba kayo sa girlfriend ko?" sa mga babae doon sa baba ah?! Di ba ikaw?!"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon