CHAPTER II - Stay Away From Me

11.1K 159 17
                                    

CHAPTER II 

[ A  continuation...]

Simula nung araw na yun, nahulog na ang loob ko sa kanya. Nalaman ko rin na magkaklase kami at sya pala yung tinutukoy nilang bagong estudyante.

Nung una’y nahihiya pa ko sa kanya dahil dun sa nangyari sa cafeteria. Pero ngayon ay hindi na. Medyo malapit-lapit na rin ako sa kanya at hindi na 'ko gaanong nahihiya pa....

 At habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.

 Lagi ko siyang kinukulit at todo effort din ako pagdating sa kanya. Syempre, para naman mapansin na niya ko nuh.

Pero ewan ko ba sa lalaking yun, ni hindi man lang ako pinapansin kahit todo effort na ako at lumalabas pa nga na ako ang nanliligaw sa kanya. Pero kahit ganun siya,di pa rin ako sumusuko sa kanya. Siya pa rin talaga ang sinisinta ko. Masyado bang madrama? Haha! Hayaan niyo na. Inlove ako eh!

“Jin Ren ko” tawag ko sa kanya nang makita ko siyang padating. Tumakbo ako papalapit sa kanya at saka nakipag-hook arm.

Yeah, Jin Ren ko ang tawag ko sa kanya kahit hindi kami. Hehehe …

“Tss, ikaw na naman? Pwede ba bitawan mo ko! Ang aga-aga eh binubulabog mo na ko!” sabi niya sabay kalas sa pagkahawak ko sa braso niya. Masyado bang masungit? Wag kayong mag-alala, sanay na 'ko jan!

“Naku, ikaw naman oh. Na-miss lang kita. Di ka pa nasanay sakin, alam mo namang bawat segundo kitang nami-miss eh.”sagot ko pa sa kanya.

“Tss…” yun lang ang sabi niya at nauna nang maglakad sa akin. Agad ko naman siyang sinundan. Pagdating namin sa silid-aralan, oo magkaklase kami ulet, umupo na siya sa upuan niya at syempre umupo na rin ako. Nasa likuran ko siya nakaupo, yun kasi ang sitting arrangement namin eh.

Ilang oras pa’y dumating na rin ang naming si Mr. Malusog. Bagay na bagay talaga sa kanya ang apelyido niya, masyado siyang malusog eh. Sa sobrang kalusugan niya siguro'y puputok na tiyan niya. Hahaha

DISCUSS…

 DISCUSS…

   COPY…

 COPY…

  COPY LECTURE…

Sa gitna ng pangongopya namin ng lecture ay may narinig akong malalanding boses sa may likuran ko.

"May nilalandi siguro tong mga to."sabi ko sa sarili ko.

Gusto kong tumalikod para makita kung sino ang nilalandi nila para sumali ako kung sakali mang isa sa mga gwapong classmate namin ang nilalandi nila. Pero siyempre, joke lang! Haha. Hindi naman ako ganoong kalandi at baka sabihin pa nilang  chismosa ako. Tsaka isa pa, may Jin Ren na ako noh.HAHA

“Date tayo honey.” sabi nung isang babae ng pabulong pero rinig ko pa rin. Ang baduy naman niya, may pa-honey-honey pa siyang nalalaman.

“Oo nga, hang-out with us.” Sabi naman nung isa.

“Tss..” sagot ata ng lalaki.

HAHA, busted sila. Kawawa naman. Pero teka, mukhang kilala ko ang boses na yun ah.

Huwag niyong sabihing nilalandi ng mga lintang to si Jin Ren ko?

Hindi na ko nakapagpigil pa’t lumingon na ako.

 At abah! Tama nga ako. Nilalandi ng mga lintang to si Jin Ren ko.

Humarap ako sa kanila at tsaka sila tinitigan ng masama sabay sabing,  “ Hoy mga linta, pwede bang wag niyong landian si Jin Ren ko!” Pero syempre, di masyadong malakas yung pagkakasabi ko. Baka marinig pa ng Mr. Malusog at mapagalitan pa ako.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon