CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!

4.4K 85 56
                                    

CHAPTER 53

**YURI's POV**

"Mahal kita Jin Ren ko."

"Gayun din ako Yuri, mahal din kita."

Matapos naming magaminan ay dahan-dahang nagkalapit ang aming mga mukha hanggang sa magkalapat ang aming mga labi.

RIIIIIIING!!!!

Nagising ako nang dahil sa maingay na tunog ng alarm clock. Pinatay ko ito at saka tinignan kung anong oras na ba. Pagtingin ko'y alas sais palang naman.

Kyaaaaah!!! Di nga, nag-kiss kami ni Jin Ren ko!!! Kahit na panaginip lang iyon, kinikilig pa rin ako. Nyahaha

Pero teka nga, paano ako napunta rito sa kama ko? Sa pagkakatanda ko'y abala kami nina Jin Ren ko sa pag-aaral at...

at nakatulog ako? Ibig bang sabihin nito ay binuhat ako ni Jin Ren ko papunta rito sa kama ko? Kyaaah! Umaandar na naman tong pagkakilig ko!

 Matapos ang saglit na pagkakilig ay agad namang napalitan ng kalungkutan ang mukha ko. Naalala ko, exam day na pala namin ngayon at kasunod nun ay ang result day. Pagdating kasi ng result day, kailangan ko nang gawin yung kondisyong ibinigay sa akin ni Ren. At oo, yun nga ang kondisyong ibinigay niya, ang layuan ko siya ng tatlong buwan. Nakakalungkot. Iniisip ko palang yun, sumasakit na ang puso ko. Pero unfair din naman kasi kung hindi ko gagawin di ba? Nagkaroon kami ng deal kaya kailangan kong tumupad sa usapan namin. Isa pa, nagpakahirap siyang turuan ako.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

*Tok*Tok*Tok

"Iha, ako to. Gising ka na ba? Bumaba ka na nang sa gayon ay makapag-agahan na tayo."rinig kong sabi ni tita mula sa labas.

"Opo tita, susunod lang po ako."sagot ko naman. Pagkatapos ay narinig ko siyang sumagot ng,"Sige." at narinig ko na rin ang mga yapak niya na unti-unting humihina habang siya'y papalayo ng aking kwarto.

Tumayo na ako at saka nagsimulang ayusin ang aking kama. Pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo at saka nag-toothbrush. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok. Matapos ang pag-aayos ay bumaba na nga ako at nagtungo sa dining area.  

Pagdating ko'y nadatnan ko silang lahat na nakaupo na at tila ba'y ako na lang ang kanilang hinihintay para makapagsimula ng mag-agahan.

Nakakahiya naman. Ako na lang ang wala. pinaghintay ko pa talaga sila.

"Oh Yuri, andito ka na pala."bungad sa akin ni Tita.

"Halika na't mag-almusal na tayo!"salubong naman ni Granny.

Si Jin Ren ko naman, hayun at abala sa paghigop ng kape niya.

Napatingin siya sa akin. Ang buong akala ko'y babatiin niya ako ng good morning, pero yun pala, inirapan lang ako! Kakabadtrip! Ano na namn kaya ang problema ng lalakeng to! Bilang na nga lang ang araw ko na makakasama siya, tapos ganyan pa talaga siya sa akin. Hmp! Nalulungkot tuloy ako!

"Sige po!" magalang na sagot ko kina tita at Granny at pagkatapos ay naglakad na nga ako sa upuan ko. Syempre, sa tabi ni Jin Ren ko. Kahit na ganyan kasungit yan, di ko pa rin naman siya matitiis eh.

Pagkaupo ko palang, agad namang bumungad yung naiiritang tingin sa akin ni Maxine.

At ano rin naman ang problema ng batang to? Mas masama pa ang mga tingin niya ngayon sa akin kaysa dati. Tila ba'y gusto niya akong kainin. 

Grabe naman oh, umagang-umaga, eto agad ang nasapit ko?!

Matapos naming mag-agahan ay nagpaalam na kami kina Tita. Papasok na kasi kami sa eskwelahan.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon