CHAPTER XLI - Weird

4.6K 62 26
                                    

CHAPTER XLI

**REN’s POV**

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na umaninag sa mukha ko. Kinuha ko ang cellphone ko para i-check ang text ni Yuri. Kaya lang wala akong natanggap na text niya. Nasanay na kasi akong basahin ang mga text niya kada paggising ko ng umaga at bago ako matulog.

Pero bakit ngayon eh wala akong natanggap na kahit na anong bati niya? Baka naman natutulog pa siya.

Tama nga, malabo rin na makalimutan niyang bumati ng good morning sa akin. Naku, pag siya nalate na naman mamaya eh for sure madedetention na siya!

Bumangon na ako sa kama at saka may naalala. Isang araw na lang pala at kaarawan ko na.

“Eh ano naman ngayon?”sabi ng subconscious ko.

Pare-pareho lang naman kasi ang nangyayari sa tuwing magkakaarawan ako.

Magpapahanda sila tapos mag-iimbita ng mga bisita na hindi ko naman kilala at puro mga matatanda pa-- mga business partners ni daddy at mga kasamahan niya sa business..Kulang na nga lang gawin nilang conference meeting ang bawat birthday party ko.

Hindi lang naman kasi yung school ang business namin, meron rin kaming company ng mga damit. Katuwang ni dad si mommy dati sa pagmamanage ng company namin nung hindi pa sila naghiwalay. Nang mag-divorce na nga sila, ayun… kinailangan ni dad makanap ng bagong katulong sa pag-manage ng business. And so he forced me to be one of them.

 He trained me, pero walang nangyari. Kahit kailan eh hindi ko pinangarap ang maging isang businessman. Hindi ko man alam kung ano ang gusto ko paglaki ko, basta’t ang alam ko eh ayoko maging businessman. So ang nangyari is, ipinakita ko kay daddy, habang maaga pa, na ayokong maging katulad niya.

Lagi akong nagcu-cutting class, umuuwi ako ng madaling araw galing sa gimikan, at di ko sinasagot ang mga tawag niya. And so he hated me for that.

Wala raw akong kwenta kaya naman kinuha niya si Fizz, ang magaling kong step-brother para maging katuwang niya sa business.

Maganda rin naman ang naging resulta nang kunin niya si Fizz. Tumaas ang sales ng company namin at naging maayos ang takbo nito.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon