CHAPTER XIII - He's Acting Weird

7.2K 93 10
                                    

CHAPTER XIII

 **YURI's POV**

“Oh hija, umakyat ka na lang sa taas para gisingin siya.”-Granny

“P-po? A-ako ang gigising sa kanya?” gulat na gulat kong tanong kay granny.

“Oo,ayaw kasi niyang gumising eh, baka kapag  ikaw ang gigising sa kanya eh babangon na yun.”

“Ah, si-sige po.”

Tumayo na ako at pumunta sa taas. Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya, kumatok muna ako ng tatlong beses.

TOK, TOK, TOK

Naku, mukhang tulog pa nga yata siya. Kaya naman kusa na lang akong pumasok sa loob.

Dumiretso na ko dun sa master bedroom niya, pero pagdating ko dun wala naman na siya doon.

Hmmn, siguro bumangon na yun.

Oo nga nuh, ngayon ko lang napansin na halos lahat pala ng gamit niya dito sa kwarto eh puro kulay black. Hindi naman masyadong obvious sa kanya noh? Biruin mo, ultimo kulay ng walls niya eh black. Adik talaga.

Nagbusisi muna ako ng mga gamit niya since wala naman na siya dito.

May nakita akong isang gamit na nakalapag dun sa ibabaw ng table niya na siyang pumukaw nsa aking kuryosidad. Kinuha ko ito at sabay umupo sa kama niya.

“Ui, album niya nung bata pa siya. Ang cute-cute niya talaga.” Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga larawan niya.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon