Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)

3.8K 66 37
                                    

Bagong book cover oh! xD ----------------------->

 Salamat din pala kay RishLee28, para sa YuRen picture. :)))

Chapter 55

**YURI's POV**

Pagdating namin sa classroom, syempre lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa amin. At ayun na naman nga ang mga sari-saring bulungan nila. Marahil ay hanggang ngayon, nahihirapan pa rin silang tanggapin ang balitang kanilang nasagap kanina. 

"Bestfriend!"sigaw pa ni Heina nang mamataan niya ako papasok na ng room.

"Hoy Ren! Iningatan mo ba tong kaibigan ko?"bungad niya kay Jin Ren ko, ngunit di naman ito sumagot sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Oo. Ikaw, ayos ka lang ba? Sino nga palang nanggamot sayo?"tanong ko rin sa kanya.

"A-ayos langa ko! S-sige upo na ako!'sagot naman niya at ni hindi man lang niya sinagot ang pangalawang tanong ko.

"Okay class! Take your seat now."sabi nung math teacher namin nang pumasok na siya sa loob ng room. Agad naman kaming nagsiupuan nang makita na namin siya.

"Get your book now."utos pa niya, na siya ring sinunod namin.

Habang abala kami sa pagkuha ng sarili naming mga libro'y may bigla na lamang kumatok sa pinto ng aming silid-aralan.

*Tok*tok*tok

Nabalin ang atensyon naming lahat dun sa taong kumatok. Pagtingin namin ay yung adviser pala namin.

"Ms. Natividad."bati pa nung math teacher namin.

"Ahm, may sasabihin lang ako sir sa students ko."sagot naman ni ma'am habang naglalakad papasok ng room. Pagkatapos ay ibinalin niya ang atensyon sa amin.

"Ms. Han and Ms. Choi, Mr. Chua would like to see you in his office mamayang hapon matapos ang klase."sabi pa ni Ma'am sa amin at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya sa math teacher namin pati na rin sa amin.

Si Mr. Chua? Yung guidance counselor namin? Naku! Lagot na! Tiyak tungkol to dun sa away namin kanina.

Tinignan ko si Heina, pero tila'y wala naman yata siyang pakialam dun sa sinabi ng guro namin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ba ako nag-aalala, eh sila naman ang nauna ah.

-- Sa guidance office --

"Now Ms. Ong, Ms. Sanchez, and Ms. Lagrimas, kindly say sorry to Ms. Han and Ms. Choi, kung ayaw niyong madetention."sabi pa ni Mr. Chua. Labag man sa kalooban nung tatlong malditanng yun ay nag-sorry pa rin sila sa amin. Mukhang ayaw nga talaga nila madentention. 

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon