Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)

4.3K 70 15
                                    

Chapter 54

**YURI's POV**

"Sinasagot na kita."

"Okay, edi tayo na!

"Sige, see you tomorrow girlfriend!"

WAAAAAAAAHHH!!! Talaga bang sinabi niya talaga sa akin ang mga katagang yan? Hindi nga? Talaga bang kami na? Pakibatukan nga ako! Baka kasi nag-iilusyon na naman ako eh.Kagabi ko pa talaga tinatanong to sa sarili ko. Pinagsasampal ko na nga sarili ko dahil baka nananaginip lang ako, pero hindi talaga eh. Kahit anong pananampal pa ang gawin ko, nasasaktan ako at namumula na nga ang mga pisngi ko kaya iisa lamang ang ibig sabihin nun. Hindi yun panaginip kundi isang katotohanan! Totoo ngang kami na nga!

Yayks! Umaabot hanggang langit ang mga ngiti ko sa tuwing nagfla-flashback sa isip ko yung mga sinabi niya sa akin.

Pero di ko rin mapigilang isipin na baka niloloko niya lang ako. Alam niyo naman yun minsan, ang lakas makatrip. Kung gaano siya kasungit ay ganun din naman siya kalakas kung mantrip. Tsaka isa pa, kung kami na nga, bakit hindi niya ako tinext kagabi? Ni hindi man lang siya nag-atubiling kamustahin ako. Kahit na simpleng hi o hello man lang eh wala akong natanggap mula sa kanya. Text ng text naman ako sa kanya, bagamat di naman siya nagrereply. Panay rin ang pagtawag ko sa kanya pero parati na lang "busy" ang phone niya. Nahihiya rin naman akong tumawag pa sa telepono nila. Baka kung sino pa ang makasagot eh. Sabihin niyo nga, normal ba para sa isang boyfriend ang di aabalahing kamustahin ang girlfriend niya? OA ba? Eh sa gusto ko pala siya palaging katext!

Arrgh! Marahil nga'y niloloko lang ako ng lalakeng yun! Hayaan na nga! Tatanungin ko na lang siya ulit kung totoo ba talagang sinasagot na niya ako. 

Siya nga pala, nandirito nga pala ako ngayon sa may tarangkahan. Tinatanong pa ba yan? Syempre, hinihintay ko si Jin Ren ko. Ang totoo niyan ay di na nga ako makapaghintay pa eh, gustong-gusto ko na siyang makita at makausap. Gustong-gusto ko na ring itanong sa kanya kung totoo ba talagang kami na. Hindi ko kasi iyon nagawa kahapon dahil sa agad na lamang siyang umalis at iniwan akong nag-iisa't tulala pa.

Magse-seven-fifteen na subalit wala pa rin siya. Kaninang mga 6:45 ng umaga pa ako naghihintay rito, kaya naman malabong nasa loob na siya ng classroom namin. Di ko rin naman siya nakitang dumaan eh. At kahit na anino ng kotse niya'y di ko makita sa may parking lot. Asan na ba kasi siya?

Naghintay pa ako ng mga sampung minuto. Pagkalipas ng sampung minutong iyon ay nagtungo na nga ako papunta sa aming classroom. Pagdating ko sa may pintuan ng room ay agad na hinanap ng mga mata ko ang pinakamamahal kong si Jin Ren. Bagamat tama nga ang hinala ko kanina, wala nga talaga si Jin Ren ko doon.

Ano yun? Magliliban siya? At bakit naman? Teka, may masama bang nangyari sa kanya kaya di ko siya makontak kagabi pa? Di ko naiwasang tuluyang mag-alala sa kanya. Marahil nga'y kung napano na siya. Ni hindi ko man lang siya makontak.

"Ms. Han, you're blocking the way."

Napabalikwas ako sa aking kinatatayuan nang bigla kong marinig ang boses ng guro ko. Pagtingin ko'y nasa likuran ko pala siya. Dun ko lang din naisip ang mga sinabi niya. Nakaharang nga pala talaga ako sa daan. 

"I'm sorry ma'am."pagpapaumanhin ko pa sa aking guro na si Gng. Natividad sabay tumabi sa daanan. Yung iilang mga kaklase ko naman, hayun at masaya akong pinagtatawanan. Ke-aga-aga ako na agad ang ginawa nilang entertainment!

"Umagang-umaga ang lalim na ng iniisip mo. Mabilis na lalagas yang mga buhok mo."pagbibiro naman ng guro ko at pagkatapos ay tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng room, habang yung mga kaklase ko naman ay  napahalakhak na dahil dun sa sinabi ng guro ko. Pumasok na ako sa loob ng room at saka nagtungo sa upuan ko nang nakayuko lamang, dahil sa kahihiyang natamasa ko umagang-umaga. Kapag minamalas ka nga naman oh!

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon