CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya

5.2K 64 11
                                    

CHAPTER XXXVI

**YURI’s POV**

“Teka, ihinto mo ang sasakyan.” Napasigaw kong sabi sa kanya. Napadaan kasi kami sa isang palengke.

Bigla naman niyang inihinto ito at saka ako tinanong ng,”Bakit?” Siya na ngayon ang nagtatanong sakin niyan.

“May bibilhin ako. Tara!”yaya ko sa kanya.

Tapos bumaba na ako ng sasakyan. Sumunod din naman siya ng wala na ring masyado pang tanong.

Naglakad na kami papunta sa palengke kasi medyo nalampasan namin ito ng kaunti. Siguro wala pa siyang idea kung saan kami pupunta, nagsisimula na kasi siyang magtanong eh.

“Sumunod ka na lang.” yun lang ang sagot ko sa kanya.

Nakarating na rin kami sa palengke.

Ang totoo niyan eh wala naman talaga akong bibilhin. Gusto ko lang talaga na pahirapan etong si Jin Ren ko. Pero wag kayong magkamali ng iniisip huh, mahal ko siya noh kaya ko siya pinapahirapan. HAHA

“Hoy.” Tawag niya sakin. May sasabihin yata siya sa akin pero iba ang lumabas sa bibig niya.”Shit! ang baho dito.” Reklamo niya sabay takip nung ilong niya gamit syempre ang panyo niya.

Aba naman at ang arte neto. HAHA. bahala siya, gora lang ako. :p

Tinalikuran ko na lang siya at nagsimula na akong maglakad.

Haha, ewan ko kung saan ako papunta.

“And dumi-dumi naman dito, napakamaputik at ang baho-baho pa.” reklamo na naman niya

Tumigil ako sa paglalakad at saka siya hinarap. Mukha ngang diring-diri siya.

Pano ba naman kasi tingin ng tingin kung saan parang isang maarteng babae na di mapakali dahil baka madumihan ang napakamahal niyang damit. HAHA

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon