CHAPTER III - My Favor or His Condition?

9K 147 13
  • Dedicated kay Roxie Rivera
                                    

CHAPTER III

**YURI’s POV**

Di ako masyadong nakatulog kagabi dahil dun sa mga sinabi sa akin ng mga guro ko.

Ano???

Naku!Hindi pu-pwede yun. Mabibigo ko na naman si daddy kapagka ganun ang nangyari. At saka isa pa, ayokong mawalay kay Jin Ren ko.

Pero my two months pa naman ako bago ang periodic exam namin, kaya may pagkakataon pa ako para bumawi.

**FLASHBACK**

“ Good afternoon teachers! Uhm ma’am pinapatawag niyo raw po ba ako?”-ako

“Ahh, oo. Maupo ka Yuri.”-adviser ko

Umupo na rin ako.

“Yuri, alam naman nating pareho na second grading na't papalapit na rin ang periodic exam niyo. Ang problema'y ang bababa ng mga grado mo nung 1st grading, puro 80 lang ang naabot mo. Isa na lang at magkakaroon ka na ng line of seven. Alam naman natin na ang mga ganitong klaseng grado'y di nararapat na mapabilang sa Pilot Section. Pati nga rin mga quizzes mo ngayon, ang bababa rin." putol na paliwanag  sa akin ng adviser ko. Huminga muna siya ng malalim, bago muling nagsalita.

"Napagkasunduan naming lahat, mga subject teachers mo at pati na rin ako, na bibigyan ka namin ng isang pagkakataon." Nang mahagip ko ang salitang "pagkakataon" ay agad na nag-umapaw sa saya ang puso ko. Ngunit, lahat ng iyon ay mabilis na napalitan ng takot.

"Ngunit, sa isang kondisyon. Dapat aabot sa 90% pataas ang percentage ng mga  scores mo ngayong periodic exam sa bawat subject. Kapag nagawa mo yun, maaaring tataas ang grades mo at mananatili ka sa first section.”pagtatapos naman niya.

**END OF FLASHBACK**

90%? Tsk. Paano ko naman da yun magagawa?

Kainis ! Bakit ba kasi may standard average  pa ng mga grades ang bawat section eh.

Paano na yan, di ako pwedeng malipat sa ibang section kasi ayokong ma-disappoint  sakin si daddy.At isa pa, kapag nagkataon ngang ganun ang mangyayari'y di na kami magiging classmate ni Jin Ren ko..

WAAAAAAAHHHHH!!! Ayokong mawalay sa kanya. Anong gagawin ko?

Matamlay akong pumasok sa eskwelahan buhat ng kulang sa tulog. Hindi ko na rin inabangan pa si Jin Ren ko sa may tarangkahan. Dumiretso na ako sa classroom dahil medyo wala akong gana. Pagdating ko sa room, andun na rin pala siya.

“Annyonghaseyo ” bati sa akin ni Heina. Yumuko lang ako at pagkatapos ay umupo na ako.

“Huy, anong problema mo?" Tanong sa akin ni bestfriend na tila'y nahalataan niyang may bumabagabag sa isipan ko.

“A-ano kasi oh, yung mga grado ko kasi. Pinoproblema ko ang mga grado ko.” sabi ko sa kanya sa mahinang tinig.

“Oh, ano naman ang problema sa mga grado mo?”tanong niya sa akin na wari bang hindi niya maintindihan kung bakit pa pinoproblema iyon.

“Tss.. ang bababa kaya!” sagot ko naman sa kanya nang may pagkabahala.

Isinalaysay ko sa kanya yung mga naging pag-uusap namin, ng aming mga guro. At tila pati siya ngayon ay namomroblema na rin.

“Naku, pano na yan ngayon.? Hindi rin naman kasi ako matalino para turuan ka.”-siya

“Ayos lang. Mag-iisip na lang ako ng paraan.” Sabi ko sa kanya.

Ilang segundo rin kaming natahimik. Kapwang nag-iisip ng malalim... at ilang saglit pa nga'y...

“Alam ko na!"bigalng sigaw ni Heina na siyang ikinagulat ko.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon