CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More

6.2K 83 9
                                    

CHAPTER XXI

 **YURI’s POV**

Isang linggo na ang nakalipas. Ganun pa rin, walang pagbabago. Di pa rin ako pinapansin ni Ren. Pati nga pagtututor niya sakin eh natigil dahil dun.

Kasi nga ayaw niya kong makita o makausap di ba? kaya naman ako na mismo ang tumigil sa pagpunta dun sa bahay nila.

Baka kasi lalo lng siya magalit sakin.=’(

At isa pa, kahit ilang beses ko mang pagtangkaing lapitan siya eh  puro pag-iiwas naman lang din ang ginagawa niya. Does he hates me that much?  Siguro nga.

Yung tungkol naman sa scandal picture na yun, eh unti-unti na rin namang namamatay ang chismis tungkol dun.

Pano? Tinakot kasi nina Heina pati na rin nila Alexis at Raven yung mga students, na kung pag-uusapan pa rin daw nila yung tungkol dun sa picture eh ma-eexpel sila sa school. Tutal sina Jin Ren naman daw ang may-ari ng school eh talagang posible na mangyari yun.

Kung curious kayo if  close na ba kami nina Alexis at Raven. Uhmm.. di rin naman masyado. Sadyang tinulungan lang talaga nila kami na matigilan yung chicmis tungkol sa amin niJin Ren dahil syempre involve yung kaibigan nila.

Haayy, ang boring at the same time nakakalumbay ang buhay ko ngayon. Wala akong makausap at makakulitan ngayon. Wala na naman kasi si Heina ngayon eh.

Pansin ko rin dun s babaeng yun this past few days mukhang lagi na lang siyang busy.

Ano kayang pinagkakaabalahan ng babaeng yun???

Ang boring, grabe... Kung pansin ninyo wala kaming teacher ngayon, yun ay dahil pati teacher namin ay absent din.

Hay, sa loob ng isang linggong iyon wala akong ibang ginawa kundi ang pamasdan na lamang si Jin Ren ko sa malayo. Namimiss ko n talg siya. Namimiss ko na ang pagsusungit niya sakin.

Sa mga araw na di ko kinukulit si Ren, sa mga araw na di kami nagpapansinan, kitang-kita ko kung gano siya kasaya kasama ang ibang tao.

Siguro nga panggulo lang talaga ako sa buhay niya. Wala akong ibang binigay sa kanya kundi sakit ng ulo at kahihiyan. Siguro di na rin siya nakapagpigil nung mga time na yun at napuno na siya sakin ng tuluyan kaya niya nasabi ang mga bagay na yun sakin.

Napayuko na lamang ako.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon