CHAPTER IX - Meeting the Cassanova

7.3K 102 15
  • Dedicated kay Kent Fuentabella
                                    

 CHAPTER IX

A/N: Same day lang po yan nung bumisita si Ren dun sa old school nila. Baka kasi magu;uhan kayo.

**HEINA’s POV**

2 weeks na ang nakararaan nang magsimula ang tutorial ni Yuri dun sa kaibigan daw ng pinsan niya pati na rin dun sa mga subject teachers niya. Every Tuesday, Wednesday, at Thursday afternoon yung review niya sa mga teachers namin. Then  Monday, Friday at Saturday naman ang review niya dun sa sinasabi niyang kaibigan daw ng pinsan niya.

 Ang labo talaga ng babaeng yun, ayaw man lang magpasabi kahit pangalan nung kaibigan ng pinsan niya na nagtututor sa kanya. Psshh..  >,<

Uwian na, at halatang nagmamadali na naman etong  si bestfriend ko. Pano ba naman kasi Friday ngayon, kaya naman yung kaibigan ng pinsan niya ang ka-review niya.

Pero bakit naman kelangan pa niyang magmadali? Nagagalit ba yung nag-tututor sa kanya kapag nalelate siya? O baka naman crush niya yung nagtu-tutor sa kanya, kaya nagpapakitang gilas siya?

Tssk.. ano ba naman tong mga pinagsasabi ko. Imposibleng namang crush niya yung kaibigan ng pinsan niya, eh baliw nga yun kay Ren. As in capital B-A-L-I-W.  baliw na baliw. Ewan ko nga dun eh, halata naman sanang di interesado sa kanya si Ren pero ewan ko ba dun at nagpapakamartir siya.

 Pero kahit ganun yun, wala rin naman akong ibang magawa kundi ang suportahin na lang siya. Kahit alam kong mukhang imposible yatang magkakagusto sa kanya si Ren.  HEHE ang sama ko bang kaibigan? =P

“Uy bestfriend, mukhang nagmamadali ka yata?” –painosente kong tanong sa kanya.

“Ah-eh, may tutorial pa kasi ako bestfriend eh.” Sagot niya sakin.

“eh ang aga pa naman eh, kaya kain muna tayo sa labas. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagbobonding eh, lagi ka kasing busy.” Paanyaya ko sa kanya.

Tama nga, matagal na kaming hindi nakakapag-bonding dahil sa sobrang busy niya. Kahit dito sa school eh minsan lang kami magkasabay.

“Pasensya ka na talaga bestfriend, pero di talaga pwede. Next time na lang. promise babawi ako.” Sabi niya at tinaas pa niya ang right hand niya na parang nagpapanatang makabayan.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon