CHAPTER LII - Final Review

4K 65 46
                                    

CHAPTER 52

**YURI's POV**

Matapos kong bitawang kagabi ang katagang, saranghae, na kung sa wikang Filipino pa ay "mahal kita", hindi na ako tinantanan ni Jin Ren ko buong gabi kakatanong kung ano raw ang ibig sabihin nung sinabi ko.

At dahil sa hindi naman ganoong kakapal ang mukha ko, gaya ng inaakala niyo, ay syempre hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang kahulugan nun.

Ipinagluluto ko nga pala si Jin Ren ko ng mechado, gaya ng ipinangako ko sa kanya kagabi. Nag-alok si tita na tulungan ako bagaman tumanggi ako sa mabait niyang alok.

Siya nga pala, sinabi ko na pala kay tita, nang makauwi sila kagabi, na bati na kami ni Jin Ren ko. Masyado nga siyang nasabik matapos ko siyang balitaan at pagkatapos ay agad siyang nagpakwento sa akin kung paano raw kami nagkabati. Bakas naman sa mukha niya na masayang-masaya siya sa aming pagbabati. At syempre pa, taos puso akong nagpasalamat kay tita para dun sa mga bagay na ginawa niya. Kung hindi rin dahil sa kanya, malabo ring magkabati kami ng mabilis nina Jin Ren ko. 

Matapos kong lutuin ang mechadong ni-request niya ay inihanda ko na sa tray ang magiging hapunan niya. Pagkatapos ay dinala ko na ito papuntang kwarto ko, kung saan nandoon si Jin Ren ko na abala sa paggawa ng Test Review Questionnaire para sa akin.

Kanina pa kami nagre-review dito sa pansamantalang kwarto ko, kasi nga final review na namin to. Ni hindi na nga bumaba si Jin Ren ko para sabayin kaming maghapunan nina Tita pati na ang iba. Nang yayain ko siya, sinabihan niya lang ako na bilisan ko na lang daw ang pagkain ng hapunan nang sa gayon ay maipagluto ko na ang mechadong hiniling niya. At gaya nga ng iniisip niyo, matapos kong maghapunan, na siyang binilisan ko pa, ay agad ko namang niluto ang Mechado niya.

Bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko'y kumatok muna ako ng tatlong beses, nang sa gayon ay malaman niyang dumating na ako dala-dala ang hapunan niya. Marahil nga'y kanina pa yun nagugutom eh, pano ba naman kasi medyo natagalan ako bago ko natapos lutuin etong hapunan niya.

Mga limang beses na akong kumatok, bagamat wala namang sumasagot. kaya naman, kusa ko nang binuksan ang pinto at saka tinahak ang daan papasok. Pagpasok ko'y nadatnan ko siyang kampanteng nakahiga sa couch ng mini-living room netong kwarto ko, habang nakatakip pa ng libro ang mukha niya. Tila masyado siyang napagod. Kung sa bagay, wala siyang ibang ginawa ngayon kundi buong araw na umupo diyan sa couch at turuan ako. Sino ba naman ang hindi mapapagod?

"Jin Ren ko, narito na pala ang hapunan mo."sabi ko sa kanya at saka dahan-dahang inilapag ang tray sa mesa. Ngunit, di naman niya ako sinagot at nanatili lamang siyang nakahiga ni konting galaw ay walang ginawa.

Nilapitan ko siya at saka dahan-dahang inilugmok ang librong nakatakip sa mukha niya. Pagkatanggal ko'y agad namang bumungad sa akin ang malaanghel na mukha ni Jin Ren ko, na kasalukuyang mahimbing na natutulog. 

Natigilan ako nang bumungad sa akin ang makisig niyang mukha at tila ba'y nag-skip pa ng beat yung heart ko. Lalo na nung mapatingin ako sa mapupulang mga labi niya. Parang any moment, bigla ko na lang siyang masunggaban. Hahaha

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon