CHAPTER XXVII - The Spies

6.7K 80 17
                                    

CHAPTER XXVII

**YURI’s POV**

Hay, andito na ko sa classroom ko. Wednesday ngayon, tatlong araw na rin ang nakararaan simula nung ma-expell sa school sina Kaycee at yung SA. Tatlong araw na rin ang nakararaan simula nng magtapat ako sa kanya.

Hayyy, dahil Wednesday ngayon, may review na naman ako mamaya kasama ang mga teacher namin. Hmmn…namimiss ko tuloy ang pagpunta sa bahay nina Jin Ren ko para mag-review. Namimiss ko na si Granny pati yung bubwit na si Maxine. Namimiss ko na yung kasupladahan niya sa akin. HAHA.. Pati na rin si Fizz, namimiss ko na. T_T

Napabuntong hininga na lamang ako. Wala rin naman kasi akong magagawa eh, ayaw ni jin Ren ko ang lapitan ko siya.

Masyado yata akong maaga ngayon at mangilan-ilan palang kaming andito sa loob ng room. Oo nga pala, dito ulit ako nakaupo sa upuan ni Jake. HAHA, alam niyo na kung bakit.

Ilang saglit pa’y unti-unti na ring nagsidatingan ang iba pa naming mga kaklase, pati si Heina eh kakarating lang din. Pero mukhang late na yata siya ng dating kasi lagi kasi siyang maaga pumpunta ng school. Pansin ko lang ngayon mukhang nalalate na siya. Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan ng babaeng to. Matanong nga.

“Hi best friend!” bati ko sa kanya.

Hmmmmn, mukhang napuyat yata to kagabi eh. Tignan niyo naman ang dark circles niya sa mata. Pati na rin ang mga mata niya na halata mong gusto pang bumalik sa pagtulog.

“Oh best friend.” Walang gana niyang sagot.

Talaga nga yatang puyat siya. Kulang na kulang pa sa tulog ang babaeng to oh. At bakit naman daw siya napuyat aber?

“Ayos ka lang? mukhang puyat ka yata?” nag-aalala  kong tanong sa kanya.

“Ayos lang ako, kulang lang ako ng tulog.”sagot niya saka sinubsob yung mukha niya sa bag para matulog yata.

“Ehh, ano ba kasing ginawa mo kagabi at di ka nakatulog ng maayos?” muli kong tanong, pero di naman siya sumagot.

“Uhmm, ano ba kasing pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?” tanong ko ulit sa kanya. Deadma?

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon