Chapter XLVIII - Destiny

4K 70 28
                                    

Chapter XLVIII

**YURI’s POV**

“Lord sana po maging roommate ko si Jin Ren ko. Kahit ngayon lang po? Sige na…” dasal ko bago ko tinignan ang salita na nakasulat sa papel.

Tumalikod ako sa kanilang lahat at dahan-dahan kong binuksan ang nakarolyong papel…

destiny

Destiny ang nakasulat.dito. Sa di malamang dahilan eh napangiti na lamang ako dun sa salita na nakasulat sa papel na nabunot ko.

Destiny… sana nga destiny kami ni Jin Ren ko.

“Hoy! Bat ang lawak-lawak ng ngiti mo jan?” tanong sa akin ni Heina matapos niya akong itapik sa balikat.

“Ah..eh..wala. wala lang!” sabi ko pa na halatang naubusan na ng maidadahilan.

Sumimangot lang siya, ngunit ilang saglit pa eh muli na naman niya akong kinausap.

“Siya nga pala, anong salita ang nabunot mo?” tanong niya sa akin. Sa pagkakatanda ko, “like” ang nabunot niya.

Hmmnn.. ibig sabihin hindi siya ang makakasama ko sa kwarto.

Oy, wag niyong bigayn ng masamang kahulugan yung sinabi ko ah. Hindi naman sa hindi ko gusto na si Heina ang makakasama ko kaya lang mas gusto ko talaga na si Jin Ren ko ang makakasama ko eh! Hehehe XDD

“De…”bago ko pa man matapos ang linya ko eh may biglang bumanggit nung salitang nabunot ko.

“destiny.” Sabi ng isang pamilyar na boses.

Napalunok ako sa narinig ko at dahan-dahan akong humarap dun sa direksyon na kung saan nanggaling ang isang pamilyar na boses.

“Destiny. Destiny ang nabunot ko.” sabi pa niya sa aming lahat gamit ang malamig ngunit astig na tono niya.

Sa sobrang gulat ko eh wala kahit ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. na wari bang bigla akong napipi dahil sa narinig ko.

“Best friend, ayos ka lang?” tanong sa akin ni Heina na siyang nagpabalik sa katinuan ko.

“Huh? Ahh, o-oo!”sagot ko naman sa kanya.

Sa sobrang pagkabigla ko eh di ko napansing tapos na pala silang magpares ayon sa mga salitang nabunot nila. Maliban na lamang sa amin nina Jin Ren ko at si Fizz. Since siyam kami rito, maliban kina tita at Maxine, eh isa sa amin ang  gagamit ng kwarto nang mag-isa.

“Ano ba kasi yang nabunot mo. Abe nga!”sabi ni Heina tsaka hinablot ang pirasoing papel na hgawak-hawak ko.

“DESTINY?” pasigaw na sabi ni Heina sa sobrang gulat.

Lahat naman sila napatingin sa aming dalawa. Narinig ko pa si Jin Ren ko na nagsabi ng “tch”.

Ano ba yan!!! Nakakahiya talaga! (-///////////-)

**JIN REN’s POV**

“Abeh na nga, akin na yang bag mo.”sabi ko kay engot na mukhang hirap na hirap sa pagbuhat nung bag niya. Si Ms. Jane ang may bigay nun sa kanya. Sa loob nun eh yung mga kagamitan niya na siya ring bili rin ni Ms. Jane.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ng mama ko at naisipan niyang mag-outing ngayon.

-____________-

Sa maniwala kayo o sa hindi, tutol na tutol talaga ako na mag-outing kami ngayon. Sa katunayan pa nga niyan eh ayoko sanang sumama. Kaya lang masyadong mapilit tong nanay ko, idagdag mo pa si Maxine na ubod din sa pangungulit na sumama ako.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon