CHAPTER VIII - Reminiscing His Past

7.5K 112 14
                                    

CHAPTER VIII

**YURI’s POV**

RIIIIIINGG!!!

Haay.. salamat naman at lunchbreak na… nagrereklamo na tong tiyan ko oh..

“Bestfriend tara! Kain na tayo.” Yaya ni Heina sa akin.

Matagal na kaming dalawa hindi nakakapag-bonding. Lagi kasi akong busy sa review ko eh. Oo nga pala, two weeks na rin ang nakararaan simula nung tutorial session ko kay Jin Ren ko. At hanggang ngayon di pa rin niya alam na si Jin Ren ko ang nagtu-tutor sa akin.

“okay.”sagot ko sa kanya.

Nagtungo na kaming dalawa sa cafeteria at mukhang wala yatang pinagkakaguluhan ditto. Siguro wala rito yung grupo ni Jin Ren ko. Sila lang naman ang pinagkakaguluhan dito eh.

Sabagay, ang gagwwapo naman kasi nila eh. Lalo na si Jin Ren ko. Naku… dami kong kaagaw sa kanya.

Teka lang, speaking of Jin Ren, my love, mukhang kanina ko pa siya recess di nakikita ah. Eh pumasok naman siya kaninang umaga. Sinungitan pa nga niya ko eh.. san na naman kaya nagpunta yun??? Hmmnn..

**ALEXIS’ POV**

“Dude, kanina pa tayo dito ah? Di pa ba tayo babalik sa school? Ai, wag na lang pala sa school. Inom na lang tayo.” reklamo ko ditto kay Ren.

Pano ba naman kasi nag-cutting class kami para lang bumisita dito sa old school namin.

Oo nga pala, andito nga pala kami ngayon sa dating school namin, before kami mag-transfer dyan sa Vernile University. Nagtransfer lang nman kami dyan sa school nina Ren, dahil dyan din siya lilipat. Syempre, that’s what friends are.. HAHA

“oo nga Ren, kanina pa tayo rito ah. At saka hanggang ngayon ba’y di mo pa rin siya nalilimutan?” sabat naman nitong si Raven.

Tama nga siya, kaya lang naman kami andito eh dahil naaalala na naman niya ang mga masasayang alaala nila ni Yumi rito sa school. Psshhh…

Si Yumi Kara H. Choi, ang superduper bait na first love ni Ren.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon