CHAPTER XLIII - Birthday Present

4.7K 59 19
                                    

CHAPTER XLIII

it's her hair and her eyes today

that just simply take me away

and the feeling that i'm falling further in love

makes me shiver but in a good way

nagising ako sa tunog ng cellphone ko. kinuha ko ito para sagutin ang tawag.

“YO DUUUUUUUDE!!! HAPPY BIRTHDAAAAAAAYYY!!!” sigaw ni Alexis sa kabilang linya.

Shit! Ang aga-aga eh nambubulabog na ang lalakeng to!><

Nilayo ko ng kaunti ang cellphone ko sa tenga ko kasi naman ang lakas niya kung makasigaw!

“Oy, inaantok ka pa?  bangon na diyan at baka malate ka pa!“ dagdag pa niya.

“Tch, parang ikaw hindi ka laging late?!”sarkastiko kong sabi sa kanya tapos narinig kong tumawa lang siya sa kabilang linya.

“Oo na, mr. genius! Basta, wag mo na lang kalimutang ilibre kami mamaya nina Raven!”paalala niya sa akin.

“Oo na. sige, ibababa ko na.” pagpapaalam ko tapos inend ko na yung tawag.

Pagka-end ko nung call, eh agad namang bumungad sa screen ng phone ko ang 132 messages. Ang dami naman! -_-

Binasa ko na yung mga messages at puro naman mga greetings na HAPPY BIRTHDAY ang mga laman neto. Pati rin yung mga dati kong kaibigan sa dati kong school eh binati rin nila ako ng happy birthday. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa, halos pare-pareho lang ang mga mensahe nila. Puro happy birthday, HBD, yung iba naman may God bless pa at take care. Natapos ko nang basahin ang lahat ng mga mensahe ngunit ang ipinagtataka ko lang, bakit wala akong natanggap na mensahe galing kay engot? ><

Hindi ba niya alam na ngayon ang kaarawan ko? imposible rin yun, kasi dati nga kahit hindi pa kami ganoong ka-close eh binati niya ako nung birthday ko.

Baka naman natutulog pa siya kaya di pa nakabati? Hindi rin siguro. Last time nga akala ko hindi siya nagtext ng good morning sa akin kasi akala ko tulog pa siya pero yun pala eh nakalimutan niya lang talaga.

Siguro nga nakalimutan niya ang birthday ko. pero imposible rin namang makalimutan niya ang kaarawan ko.

Haiiist! Bahala na nga siya! Kung gusto niyang mag-greet edi mag-greet siya! Kung ayaw niya, edi wag! Mas mabuti nga yun!><

Takte! Nawiwirduhan na talaga ako sa sarili ko! aga-aga siya na agad iniisip ko?! seryoso ba to!? ERRGH!!><

Pumasok na ako sa loob ng CR para maligo na muna. Matapos kong maligo eh chineck ko ulit yung phone ko kung may text ba.

Haiist! Nakakaasar! Bat di siya nagtetext? Ni hindi man lang niya ako binati. ><

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa table nang magvibrate ito. Agad ko itong kinuha para tignan kung sino ang nagtext. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita ko ang pangalang lumitaw sa screen ng phone ko.

Sa wakas at nagtext ka na rin!

Binasa ko na ang text ni Yuri at…

“Psssh! Ano ba naman yan! Napakakuripot naman niyang magtext. Happy Birthday lang talaga ang sinabi niya?”di ko napigilang sabihin sa sarili ko.

Hay, hayaan na nga lang! at least nagtext siya! ><

Inilapag ko na ulit ang phone ko sa mesa. Nagbihis na ako saka bumababa na ng kwarto. Pagkababa ko galing sa kwarto eh-------

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon