CHAPTER XLIV - Pick-up Lines

4.9K 72 19
                                    

CHAPTER XLIV

**YURI’s POV**

KYAAAAAAAAAAAH!!!

Di talaga ako maka-get over sa nangyari kahapon.

Biruin niyo, matagal ko siyang nakasama kagabi tapos nakahiga pa talaga kaming dalawa habang pinapanood yung mga makukulay na fireworks. (*o*)

Akala ko talaga mamatay na ako sa sobrang kilig kagabi. Halos hindi ako mapakali kagabi dahil magkatabi kaming nakahiga at halos naiihi na ako sa sobrang kaba dahil konting galaw ko lang eh nababangga ko ang matigas niyang katawan na parang kinukuryente ako sa tuwing makabangga ko ito.

Grabe lang! kung kayo siguro nasa posisyon ko kagabi, naku! Tiyak na hindi rin kayo makakatulog ng maayos gaya ko sa sobrang kilig.

Alam niyo kung ano yung mas nakakakilig? Yun bang titingin ako sa kanya tapos mahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin. Tapos sabay pa kaming mag-iiwas ng tingin.

KYAAAAAAAAAAAH!!!

Grabe lang talaga yung kagabi. Kasali talaga yung gabing yun sa listahan ng top 10 most memorable day ko. WAHAHAHA. XD

Ang laki talaga ng pasasalamat ko kina Jake, Darlene, Daphney, at lalong-lalo na dun sa best friend kong si Heina na siyang nakaisip nung brilliant idea na yun. Kaya ayun, bilang pasasalamat ko sa kanila dahil successful din naman yung plano eh nilibre ko sila ng snacks and lunch kanina sa school.

Tuwang-tuwa nga yung mga loko eh kasi nakalibre sila. Haha. at syempre pa, ikinwento ko na rin sa kanila yung mga nangyari sa amin nina Jin Ren ko.

Grabe lang, kung dati rati eh bugbog sarado ako kay Heina tuwing ikinekwento ko sa kanya yung mga kilig moments namin nina Jin Ren ko eh ngayon doble na kasi pati etong si Daphney grabe rin kung makahampas. Eh sa kinikilig din daw siya gaya kay Heina.

Buti na lang talaga’t napakatahimik nitong si Darlene. Wala akong hampas na natanggap sa kanya. Tahimik lang kinikilig sa tabi habang kinekwento ko sa kanila.

Si Jake naman, eh masaya lang kasi matagumpaay yung plano namin. Alangan namang hampasin niya rin ako dahil sa kilig? So gay, right? HAHAHAHA

Kung nagtataka kayo nasaan ako ngayon, well kakauwi ko lang galing sa bahay nina Jin Ren ko. May review kami kanina kasi Friday ngayon, remember? :P

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon