CHAPTER XLII - Unexpected Visitor

4.7K 63 13
                                    

CHAPTER XLII

**YURI’s POV**

WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!! Isang araw na lang ang meron ako para pagahandain anG birthday surprise ko sa mahal ko.

 

 

“Otteoke? Otteoke? Otteoke?”(what to do? what to do? what to do?) tanong ko sa sarili ko.

di ko talaga kasi alam kng saan magsisimula eh. Buti nga lang at nagkusang loob sina Heina pati na yung iba na tulungan ako sa paghahanda.

Andito na ako sa room at abalang ginagawa ang trabaho ko. nag-division of labor kasi kami eh. Sabi pa ni Heina sila na raw bahala sa iba basta’t ang tanging pagtutuunan ko lamang ng pansin ay yung regalo k okay Jin Ren ko.

Masyado akong maagang nagising. Sa katunayan nga eh late na ko nakatulog kagabi kakaisip kung pano gagawin yung plano ni Heina ngunit maaga pa rin ako nagising. Syempre, ayoko rin malate ngayon noh baka ma-dentention pa ko. at saka sobrang pre-occupied ang utak ko ngayon. Sana nga lang at matapos namin ngayon etong paghahanda na ginagawa namin.

Sobrang concentrated talaga ako sa ginagawa ko. ni hindi na nga ako nakikinig sa class discussion eh. Sa katunayan nga, ni hindi ko rin napansin na kanina pa pala tapos ang second period naming at recess time na. kinailangan pa talaga akong tapikin ni Heina sa balikat para lang matigil ako sa ginagawa ko.

Niyaya na niya akong lumabas para makita yung lugar na kung saan gaganapin ang surpresa k okay Jin Ren ko. sumama na ko sa kanila ngunit dala-dala ko pa rin ang notebook ko. mahirap na baka may makakita pa neto edi sablay pa ang plano ko.

“Ano? Maganda ba?” tanong sa akin ni Heina.

Halos di ako nakasagot agad sa tanong niya dahil sobra akong anmangha sa ginawa nila.

“Wow!” yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

“Actually di pa tapos to, kahapon lang kasi naming sinimulan. Pero wag kang mag-alala Yuri, we assure you na maganda ang magiging kalabasan nito.” Pagpapaliwanag ni Jake.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon