CHAPTER XXX - Library

5.7K 80 21
                                    

CHAPTER XXX

**REN’s POV**

Dahil sa gusto ko munang mapag-isa, para makapag-isip-isip muna ako tungkol sa mga bagay-bagay na patuloy sa pag-ikot-ikot dito sa utak ko, naisipan kong sa library na lang muna ako tatambay since alam ko namang eto ang pinakatahimik na lugar na pwede kong puntahan.

Ayoko na rin naman pumunta pa sa ibang lugar off campus. Masyado nang occupied ang utak ko at tinatamad na rin akong mag-drive pa. Isa pa wala rin naman akong naiisip na tahimik na lugar na pwede kong puntahan maliban sa library.

Matapos ang klase namin, dumiretso agad ako sa library. Tinext ko na lang din sina Alexis at Raven na may dadaanan pa ako. Wala rin naman silang masysadong tanong pa at ‘ok’ lang ang isinagot ng dalawa.

Nang makarating na ako sa library, nagtungo agad ako dun sa pinakadulong shelf, tapos lumiko ako at saka umupo dun sa sahig habang nakasandal sa pader ang likod at ulo ko. Ipinikit ko ang dalawa kong mata at saka nag-isip.

Napakaraming tanong at mga bagay-bagay na bumabagabag sa isipan ko. kung ano-ano na nga ang pumapasok sa isip ko eh. Bigla ko na namang naalala yung mga sinabi sa akin ni mama kagabi.

"Alam mo ba yung ibig sabihin ng tunay na effort?"

"Yun yung taong handang MAGHINTAY para sa taong mahal niya na kahit hindi naman siya sigurado kung may MAPAPALA ba siya.”

“Kung tatanungin mo ako kung bakit kita mahal, at sa paglipas ng mga panahon eh lalo pa klitang minamahal sa kabila ng cold treatment mo sa akin… ang tanging maisasagot ko lang sayo eh HINDI KO ALAM. Wala akong maidadahilan sayo kung bakit kita mahal na mahal.”

“Hindi ko alam. All I know is that your presence happens to brighten up and complete my day.  Oras-oras, minu-minuto, segu-segundo gusto ko lagi kitang nakikita. Gusto ko di ka nawawala sa paningin ko. Kahit pagtulog ko at paggising ko picture mo na nasa side table ko ang una’t huli kong gustong makita. Kung pwede mga sana eh iuwi na lang kita samin eh gagawin ko na. Dahil sa mga oras na hindi kita nakikita, damang-dama ko na laging may kulang sa akin.”

“ Kapag may ibang mga babae na kumakausap o lumalapit sayo, di ko magawang iwasang huwag magselos, kahit na alam kong wala naman akong karapatan dahil di naman ako ang girlfriend mo.”

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon