CHAPTER XXIX - We're Locked?

5.6K 83 23
                                    


CHAPTER XXIX


 **REN's POV**


"Andito ka na pala. Anong nangyari? Nagkausap ba kayo?" masayang bungad ni Mama sa akin.



"Tch, Miss Jane pwede ba..  There's nothing going on between us." paglilinaw ko sa kanya. Eh kasi etong si mama, kung ano-ano ang pinag-iisip.


Alam ko naman eh, alam ko na nahahalataan ni Mama kay Yuri na may gusto siya sa akin. Kaya eto si Mama, pabor na pabor kay Yuri.


Alam ko namang gusto niya lang akong maging masaya ulit, kasi alam niya kung gaano ako nasaktan dati. Pero ayoko, ayoko munang pumasok sa isang relasyon lalo pa't hindi ko naman siya mahal. At saka isa pa, hindi pa ako handa.


"Naku, wala ka diyan. Eh alam ko namang may gusto sayo si Yuri eh. HAHAHA"


Sabi na sa inyo eh. Masyado bang isip bata ang mama ko? Well I can't blame her, that's really in her blood.

"Hindi ko siya gusto!" diretso kong sagot kay mama.



Sumimangot naman siya nung sinabi ko yun. Tapos lumapit pa siya ng kaunti sa akin suot-suot ang napakaseryoso niyang mukha, na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nakita. Tingin ko ngayon makakausap ko na ng seryoso tong Mama ko.


"Anak..." seryoso nga talaga siya.

"Hindi mo naman kelangan pahirapan ang sarili mo eh. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na maging masaya. Wag mo naman sanang balewalain si Yuri. Malay mo, siya na pala yung taong hinihintay mo na makapagpapasaya sayong muli." sabi niya sabay tapik sa kanang balikat ko at saka tumalikod na.

Seryoso ba talaga siya dun? As in? -_-


"Oo nga pala." sabi niya ulit na mukhang may nakalimutan pa yata siyang sabihin sa akin.

"Alam mo ba yung ibig sabihin ng tunay na effort?" tanong ni Mama na nakangiti pa ng kay tamis-tamis.

binigyan ko lang siya ng isang kumukunot na noo na ang ibig sabihin ko dun ay, "What do you mean?"

Nagets naman niya ito, at saka sinagot ang sarili niyang tanong.


"Yun yung taong handing MAGHINTAY para sa taong mahal niya na kahit hindi naman siya sigurado kung may MAPAPALA ba siya. At sa tingin ko naman, base sa inaasta ni Yuri, tingin ko sobra-sobrang effort na ang nailabas niya para sayo." tapos ngumiti lang si Mama.


"Eh ang palatandaan ng taong karapat-dapat ingatan at mahalin, alam mo ba kung ano?" tanong na naman niya ulit.


ERRR, ano ba naman tong mga pinagsasabi ni Mama. Ang dami niyang alam huh. Kala mo kung sinong eksperto sa pag-ibig. ><


"Ano?" sa wakas at sumagot na rin ako.


Nginitian niya ulit muna ako. Mukhang di yata siya nauubusan ng ngiti eh. Sabagay, she is known as, a woman with a million smile in her face.



"Yun yung taong hindi ka iniiwan kahit pa napakahirap mong pakisamahan. Sa tingin ko alam mo naman na, na ang hirap mong pakisamahan Ren di ba? Napakasungit mo, suplado, palasigaw, ni hindi ka nga marunong mag-sorry sa isang tao eh, ang matindi pa eh ang cold-cold mo sa mga babae. Hindi, baka nga yata sa lahat eh. Kaya nga believe ako kay Yuri. Kahit pa ganyan ang ugali mo, nagawa ka pa rin niyang intindihin at mahalin ng tunay. Pero sana lang habang maaga pa, sana makita mo yun. Dahil baka isang umaga paggising mo, na-realize mo, na mahal mo na pala siya, pero siya naman eh na-realize niyang kelangan na pala niyang sumuko sayo."

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon