CHAPTER XXV - Mixed Emotions

6.7K 83 24
                                    

CHAPTER XXV

**REN's POV**

Matapos kong madiskubri kanina kung sino talaga ang may salarin sa pagkalat ng letrato namin nina Yuri, eh dumiretso agad ako sa principal’s office para kausapin ang school head yung tungkol sa suspension na binabalak ko.

Ang totoo eh nakipagtalo pa ako dun sa principal dahil ayaw niyang pumayag dun sa gusto ko. Pero wala rin naman siyang magagawa, kasi kung di siya susunod sakin eh pati siya ipatatanggal ko rin sa school na to.

Syempre, kahit di man ako nagpapakita ng interes sa mga business ng dad ko, alam ko na ako pa rin ang magiging successor ng mga business namin. At isa na nga tong school to na panghahawakan ko in the near future.  Isa pa hindi pa rin naman ako kinukulit ni daddy tungkol diyan eh.

Napag-alaman kong isa pala sa mga sinusuportahan ng scholarship ng school si Chloe nang pinatawag siya sa principal’s office. Si Chloe yung babaeng kausap ko kanina dun sa likuran ng school, yung isa sa may sala. Siya pala yung SA dun sa computer lab.   Kaya naman pala familiar siya sakin eh, dun ko pala siya nakita.

Pagdating niya dun sa office eh todo paliwanag naman siya kung bakit niya daw yun nagawa.

Ang totoo pala niyan eh si Kaycee talaga yung nakapulot nung letrato. Since alam ni Kaycee na magaling nga etong si Chloe in terms of computer eh siya yung nilapitan ni Kaycee. Dagdag pa na si Chloe yung SA sa computer lab. Nung una raw talaga eh panay yung pagtatanggi niya dun sa ipinag-uutos sa kanya ni Kaycee dahil alam niyang di tama yun. Kaya lang naman daw siya napa-oo eh dahil aksidenteng nakita ni Kaycee yung nakatagong picture ni Raven sa table niya.

Social kasi yung mga SA dito sa amin may sarili talaga silang table, gaya nung sa teacher’s desk.

Tapos ayun, tinakot daw siya ni Kaycee na isusumbong daw niya kay Raven yung tungkol sa lihim na pagtingin sa kanya ni Chloe. Dagdag pa raw na kapag nagawa raw niya yung pinapagawa sa kanya ni Kaycee eh ibibigay daw niya yung mobile number ni Raven sa kanya. Kaya ayun, sumunod na lang siya. Naipit lang daw siya dun sa plano ni Kaycee.

Haist, ibang klase talaga yung si Kaycee. Akalain niyong nagagawa niya yung mga  bagay na yun???

Oo nga pala, di ko na siya pinatawag dito sa principal’s office. Mamaya na lang siguro dun sa multipurpose hall. Tutal magpapatawag naman ako ng emergency assembly para sa anunsyo na gagawin ko.

Natapos na akong mag-annouunce at ayun kitang-kita mo sa mukha ni Kaycee ang labis na pagkagulat at sinabuntan pa niya si Chloe. Akala niya siguro habang buhay niyang maitatago yung kasalanang ginawa niya.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon