CHAPTER XXXI - My Mission Impossible

5.5K 69 18
                                    

CHAPTER XXXI

**YURI’s POV**

Napakasarap sa pakiramdam. Ang sarap-sarap sa pakiramdam kapagka mabait na sayo ang taong mahal mo. Well di ko pa rin naman masasabi na as in TOTALLY mabait na talaga siya sa akin. At ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong hindi na siya galit sayo.

Woah, hanggang ngayon naaalala ko pa rin ng malinaw, malinaw pa sa sikat ng araw yung mga sinabi ni Jin Ren ko sa akin kahapon.

Yung pagtawag niya sa maganda kong pangalan

“Yuri…”

at dun sa pag-sorry niya sa akin na hudyat lang na bati na nga kami. Bati na nga kami kahit hindi naman kami nag-away.

“Yuri Han, I’m sorry..”

Kyaaaahh, hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako nakakaget-over. Ang saya-saya ko talaga. Salamat naman at nalock kami dito sa loob ng library. Nagkaroon tuloy kami ng chance na magkausap para maisaayos na ang mga bagay-bagay tungkol sa aming dalawa.

Aray… Ano ba yun!?parang may kung anong bagay ang tumutusok-tusok sa pisngi ko. Ang sakit huh.

Tinabik-tabik ko yung bagay na yun tuwing tumutusok ito sa pisngi ko. nakakabweset na huh! Ano ba kasi yun?!

Unti-unti kong iminulat ang dalawa kong mata at saka naman ito nanlaki nung makita ko ang taong kaharap ko ngayon, tapos may hawak-hawak pa siyang ruler. Eeeh... yun pa yata ang ginamit niyang pansundot sakin kanina.

WOAH!

“Ji-jin Ren ko?” I mumbled surprisingly.

T-teka.. ang pagkakatanda ko nakauniform siya kahapon huh? Eh bakit ngayon na ka- shirt siya at shorts na tila damit niya pambahay? Anong nangyari?

Inikot ko ang paningin ko at dun ko lang narealize na nasa loob pala ako ng isang unfamiliar room na halos puti lahat ng mga kagamitan rito sa loob.

Teka, nasa ospital ba ako?

WAAH.. anong nangyari???

“Buti naman at gising ka na? kanina pa kita ginigising… tulog mantika ka pala.” Suplado niyang sabi sa akin.

Errr, nakakahiya naman. Nakita niya pa akong natutulog. Teka, baka naman tumulo laway ko. yuck! Kahiya huh!

Pinunasan ko yung gilid ng labi ko pero wala namang bakas ng laway na tumulo. Hay.. salamat naman…

WOAH! T-teka.. ba-bakit nakashorts na lang ako.. shorts as in maiklikng-maikli na shorts at t-shirt na ang gamit kong pantaas???

WAAAAAAAHH!!! Hindi naman eto ang suot ko kahapon huh?

“Nandito ka sa guest room namin at wag kang mag-alala… wala akong nakita, dahil hindi naman ako ang nagpalit ng damit sayo. Si mama ang nagbihis sayo.” mukhang nabasa niya yung mga katanungan sa isip ko.

Teka nga, bakit naman daw niya ako dinala rito sa bahay nila? Ang pagkakatanda ko kasi na-lock kami sa loob ng library… err, pano kami nakalabas dun?

Tatanungin ko na sana si Jin Ren ko tungkol dun kaya lang di ko nagawang itanong yun nang mahuli ko siyang naka-smirk at nakatanginin sa ewan ko kung saan…

sinundan ko ng tingin yung tinititigan niya at yay…

nakatingin siya sa… sa katawan ko..???

WAAAAAAAAAAHHH!!! Jin Ren ko... mahal kita pero WAG! Wag kang ganyan.. hindi pa ako ready…

Agad ko namang tinakpan yung sarili ko gamit yung kumot at saka namumulang yumuko.

“Tch. Akala mo naman pinagnanasahan ko yang katawan mo?” narinig kong sabi niya kaya naman napaangat ako ng ulo at saka nahihiya siyang tinanong ng,

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon