CHAPTER XLIX - Salamat

3.7K 65 22
                                    

CHAPTER XLIX

**REN’s POV**

Binibiro ko lang naman talaga siya kanina nung dahan-dahan ko siyang nilapitan para isipin niyang hahalikan ko siya. Pero, di ko inasahan na seseryosohin niya iyon at siya pa ang gumawa ng unang hakbang para mahalikan ako.

Matapos niya akong halikan, eh pareho kaming dalawa nagulantang sa nangyari. Tinulak niya ako ng malakas palayo sa kanya na siyang nagging dahilan ng pagkahiga ko sa kama. Halatang gulat na gulat din siya nang ako’y kanyang tinulak. Kitang-kita mo sa ekspresyon ng mukha niya na di niya alam kung ano ang gagawin. Kaya naman, walang pasa-pasabi’y, kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto. Ako naman, naiwan pa ring nakahiga at glat na gulat din sa nangyari. Di ko talaga inaasahan na seseryosohin niya yung biro ko’t hinalikan niya ako. Ngunit ang mas nakakapagtaka pa eh di ako nagalit dahil dun sa ginawa niya kundi eh napangiti pa ako.

“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa sarili ko habang dinadama ko ang lambot ng mga labi ko.

**YURI’s POV**

ARRRGH!!! Nakakahiya ka Yuri! Nakakahiya ka! Anong mukha na lamang ngayon ang maihaharap mo sa kanya? WALA?! Wala na! Sana nga lamunin na lamang ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Eh kasi naman siya! Inaakit-akit niya pa kasi ako. Ayun tuloy, hinalikan ko siya ng wala sa oras! Siya kasi eh, alam naman niyang matagal ko nang pinapangarap yung mapupulang mga labi niya!



Pero  di naman siya umangal nung hinalikan ko siya. Ako pa nga tong tumulak sa kanya eh nung mag-sink in na sa utak ko yung pinaggagagawa ko! Wag niyong sabihin nagustuhan din niya yung paghalik ko sa kanya?

“Wag feeler, please” sabi ng subconscious mind ko.

Oo nga! di ako dapat mag-jump into conclusion. Malay natin nagulat din siya sa nangyari kaya di siya agad nakapag-react! Tama! Kasi sino namang normal na tao ang hindi magugulat kapagka hinalikan mo agad-agad di ba?! Ay Yuri! Napakalaki mong tanga!

Nandito nga pala ako ngayon sa may tabing dagat. Dito na lang muna ako magpapalipas ng oras. Matapos ko kasi siyang halikan eh tumakbo na ko agad palabas ng kwarto. Syempre, nakakahiya kaya yung ginawa ko! di ko alam kung pano ko siya haharapin. Mamaya na lang siguro ako babalik dun sa kwarto kapagka tulog na si Jin Ren ko. Siguro naman mga alas nuebe ng gabi eh tulog na siya noh? Nang sa gayon ay makabalik na ko’t makatulog na rin! Ayoko kasing bumalik dun habang gising pa siya. Ayokong makita niya ako. Nakakahiya kasi talaga eh!

**REN’s POV**

Alas nuebe na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong pilit ko eh hindi ko pa rin talaga magawang matulog dahil hindi mati-matigil ang utak ko kakaisip kung asan na ba yung si engot. Alas nuebe na’t hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik simula nung lisanin niya etong kwarto. Baka naman may nangyari ng masama sa kanya kaya siya di nakabalik agad o kaya anman naligaw siya pabalik?!

Di ko na maatim ang matagal na pagbalik niya, kaya naman napagpasyahan kong hanapin na siya. Lumabas na ako ng kwarto’t nagsimula nang hanapin si engot. Nagsimula ako sa paghahanap dn sa kwarto nina Heina, marahil kasi nagtatago lang siya dun kina Heina. Pagdating ko dn sa tapat ng pinto ng kwarto nila eh agad akong kmatok. Wala na akong pakialam kung gising pa ba sila o tulog na. syempre! Sa lagay na to kelangan ko nang kabahan dahil malay ko ba eh napano na yung engot nay un. Napakaengot pa naman nun. Napakalapit sa mga kapahamakan!

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon