CHAPTER LI - Reconciliation

4K 69 16
                                    

CHAPTER 51

**YURI's POV**

"Bye tita, salamat po ulit!"sabi pa ni Heina kay Tita.

"Sige iha, walang anuman iyon."sagot naman ni tita.

"Bye best friend, kitakits!"pagpapaalam niya sa akin sabay kindat pa. 

"Bye-bye best friend!"sagot ko rin sabay kaway pa.

"Bye rin Ren!"dagdag pa niya bago siya tuluyang bumaba ng van. As usual, snob na naman tong si Jin Ren ko. Tumango lang siya kay Heina.  Kahit kailan talaga eh parang pipi to siya! Parating di nagsasalita eh.. Hmp!

Kasalukuyan na kaming hinahatid ni tita, isa-isa, sa mga bahay namin. Tapos na kasi ang maliligayang araw ng pagbabakasyon namin sa Terra Cota. Pwede naman naming i-extend ang bakasyon namin eh pero yun ay kung wala kaming pasok.

Oo nga pala. muntik ko nang makalimutan! Dalawang araw na lang pala at final exam na namin!

Waaah! Di pa 'ko nakapag-aral! Mamumuyat na naman ako neto mamaya at bukas kakaaral!

"Sino pala ang kasama mo ngayon sa bahay, Yuri?"tanong sa akin ni Tita habang patuloy lang sa pagmamaneho. Kasalukuyan na kaming papunta sa bahay ko. Napagkasunduan kasi namin na ako ang huling ihahatid tutal kabisadong-kabisado naman na rin ni tita ang daan papunta sa amin.

"Ahh,ako lang po tita! Di pa kasi umuuwi yung tagapag-alaga ko eh." sagot ko naman sa isang magalang na paraan.

"Ganun ba. Mga katulong niyo pala sa bahay?"tanong niya ulit.

"Pinabakasyon ko na lang po muna, tutal iilan lang din naman po yun sila eh."balik-sabi ko naman.

Tumango-tango lang si tita na para bang mayroon siyang naisip. Hindi ko na lang iyon binigyang pansin pa’t sa halip ay napatingin na lamang ako rito sa katabi ko, si Jin Ren ko, na abalang nagsa-soundtrip.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Parati na lamang niya akong iniiwasan sa tuwing nilalapitan ko siya . Matapos niya akong iwan nung araw na iyon sa may pasilyo, ay wala na akong narinig na kahit na ano pa galing sa kanya. Buong araw lang siyang nasa kwarto. Kahit noong sumunod na araw ay bihira ko lang din siyang makadaupang-palad. Ni hindi nga siya sumama sa amin nung naligo kami sa beach. Pati rin nung nag-bonfire kami’y wala siya. Andun lang siya sa kwarto namin at nagkukulong. At kapagka pumapasok na ko sa loob ng kwarto namin, parati ko na lamang siyang naabutang mahimbing natutulog. Kaya naman, wala rin akong gaanong pagkakataon na kausapin siya. At hanggang ngayon nga ay di pa rin niya ako kinakausap. Looking at his dark black eyes, framed in the blackness and curliness of his lashes with a cold expression plastered on his face... i wonder what he is thinking right now!

Tinanggal ko na ang mga titig ko sa kanya at napabuntong-hininga na lamang ako.

*sigh

Gusto ko na talaga siyang makausap. Gusto ko nang bumalik kami ulit sa dati. Hala, oo nga! Kailangan nga talagang magkaayos na kami lalo na't malapit na ang final exam namin.  

 Muli ko siyang tinitigan and this time i casted a spell on him.

"Makipagbati...Makipagbati...Makipagbati...Makipagbati ka na sa akin...Makipagbati...Makipagbati...Makipagbati...Makipagbati ka na sa akin...  "paulit-ulit ko tong sinasabi sa utak ko habang tinititigan siya para naman tumabla yung spell ko. HAHAHA

"Makipagbati...Makipagbati...Makipagbati...Makipag--" di ko na natuloy ang susunod pang mga sasabihin ko dahil biglang napatingin sa akin si Jin Ren ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at saka ibinalin ang mga tingin ko sa labas ng bintana habang kunwaring humihikab.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon