CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)

6.5K 86 9
                                    

CHAPTER X

HEINA's POV

“I-IKAW? IKAW NA NAMAN? SINUSUNDAN MO BA KO HUH?” bigla kong naisigaw dun sa taong nasa harap ko dahil sa sobrang gulat ko.

Ang mga tao naman dun sa restaurant ay natigilan sa pagkain at lahat sila’y napatingin dun sa table naming.

“Ah-eh, sorry po. Sorry. Sorry. Wag niyo na lang ako pansinin.” Pagpapaumanhin ko dun sa mga tao sa resto.

Hinarap ko siya ulit. At nakita kong nakangiti lang siya sakin.

Bweset na lalaking to. Kung di sana siya bigla-bigla kung sumulpot edi sana di ako napasigaw. Nadistorbo ko pa tuloy ang iilan ditto.

Oo, siya nga. Si “Cassanova” Alexis Meyer.  Sinusundan yata ako neto eh. ><

“Sabi ko naman sayo eh, nagugutom ako. At saka may nakalimutan kasi ako.” Paliwanag niya sa ‘kin at nag-grinned pa. abah! Ano na naman kaya ang binabalak ng lalaking to.

**ALEXIS’ POV**

HAHAHA

Grabe talaga. Di ko mapigilan ang sarili ko na tumawa.

Ikaw ba naman, kung nakikita niyo lang lang sana ngayon ang itsura nitong si- …. 

Teka, sino nga ba siya? Di ko pa pala alam ang pangalan niya. Ay basta, kung nakikita niyolang sana ang expression niya. Grabe lang huh, ang sama makatingin. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa ko namatay. HAHA

Kung anu-ano na yata ang iniisip nito dun sa sinabi ko.

**HEINA’s POV**

“At ano naman iyon?” tanong ko sa kanya.

“Nakalimutan ko palang ipakilala sayo ang sarili ko. How rude nman diba kung di ako magpapakilala. J”

Ay sows, yun lang pala yun? Kala ko nman kung anon a talaga. Kung anu-ano pa tuloy ang inisip ko. Psshh.

“I’m Alexis Meyer.” Pagpapakilala niya sakin at inabutan pa ko ng kamay.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. HAHA . Ang taray ko noh?

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon