CHAPTER IV - Yes or No?

8.9K 131 16
  • Dedicated kay Kayla Maryel Quinain
                                    

 CHAPTER IV

**REN’s POV**

“ANO?? AYOKO! DI AKO PAPAYAG!” pagtatanggi niya sa kondisyon ko habang napasigaw pa.

“Kung ayaw mo edi wag. Binabawi ko na rin yung pagpayag kong i-tutor kita.” Sabi ko sa kanya at akmang aalis na sana.

“Te-teka, iba na lang ang kasi ang ipagawa mo, pwede ba? Kahit ano na, basta wag lang yun.”patuloy na pagmamakaawa niya.

“Wala na kong ibang gustong ipagawa sayo, kundi yun lamang.”matigas na sagot ko.

“Ayoko!!! Di ko gagawin yang gusto mo!” pagmamatigas din niya.

“Edi wag, di rin naman kita pinipilit eh. Di na kita tutulungan.” sagot ko sa kanya.

Sa pagkakataong ito'y inarapan ko na talaga siya at nagsimula na kong maglakad. Kainis, di pa talaga  siya pumayag!

Pero bakit nga ba siya nagpapa-tutor? Pakialam ko ba! 

**YURI’s POV**

Kainis naman oh! Bakit kasi yun pa ang gusto niyang ipagawa sakin. Mas ayos na sa akin ang pasayawin niya ako sa harap ng maraming tao, kahit na parehong kaliwa ang mga paa ko, basta't wag lang yun.

Argh! Sino na lang ang magtu-tutor sakin ngayon?

Bahala na nga! Hahanap na lang ako ng ibang tutor kesa naman gawin ko yung pinapagawa niya. Duh? Para san pa ba ang pamomroblema ko, na sana di ako ilipat sa ibang section, kung ganun lang din naman ang mangyayari. :((

Nakakainis! Nawalan na nga ako ng tutor sa math, ay pati yung pagkakataon kong makasama siya  for two months sa pagtu-tutor ay naglaho rin! 

Kakauwi ko pa lang sa bahay, ngunit bigla naman akong sinalubong ni nanny hawak-hawak ang telepono.

...............................

“Buti andito ka na."salubong niya sa akin.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon