CHAPTER L - I'm Stupid

4.2K 64 22
                                    

CHAPTER 50

**YURI's POV**

--Kinabukasan--

“Woah best friend, ang galing mo talagang magluto. Amoy na amoy ko talaga ang bango ng luto mo.”pambobola sa akin ni Heina.

“Naku best friend, imbes na bolahin mo ko dahil dito sa luto ko ay mas mabuti pang asikasuhin mo na lang yang luto mo. Mukhang masusunog na nga ata yan eh, pero di mo pa rin tinatanggal sa apoy.”sagot ko naman sa kanya.

“Oh shit, nakalimutan kong nagluluto rin pala ako.”sabi ni Heina habang nagmamadaling i-turn off ang gas stove. Kami nga palang tatlo nina Heina, tita, at ako  ang nakatalagang maghanda ng agahan ngayon para sa lahat. Pero sa totoo niyan ay si tita lang talaga sana ang magluluto, ngunit nagmagandang loob kami ni Heina na tulungan siyang maghanda ng agahan. Tutal naman marunong kaming dalawa ni Heina na magluto. At isa pa, ang tulong na maibibigay namin sa kanya ay isang simpleng pasasalamat na rin namin sa kanya sa pagdala sa amin dito sa Terra Cota. Kaya naman napagpasyahan naming tulungan na rin si tita.

“Oh ano, nasunog ba ang niluluto mong sinangag? ”tanong ko sa kanya nang makita kong kinakalkal na niya ang kawali.

“Best friend, hindi lang to basta isang simpleng sinangag. Espesyal to noh!"pangongorekta niya pa sa akin.

Kakaiba talaga tong si Heina oh. Mas binigyang pansin pa niya ang pagsabi ko ng sinangag kaysa sa pagsagot dun sa tanong ko.

"Arasso... arasso. (I get it... i get it.)"sagot ko naman sa kanya habang nakataas pa ang dalawang kamay ko na wari bang isa akong magnanakaw na sumusuko sa mga pulis.

"Oh ano, nasunog ba?"pagbabalik na tanong ko sa tunay na paksa namin.

"Hindi naman masyado.”sagot naman niya habang patuloy lang sa pagkalkal.

“Geez, matakaw ka kasi. Makaamoy ka lang ng kaaya-ayang bango ng pagkain nawawala ka na sa sarili mo.”panunukso ko naman sa kanya na siyang ikinasimangot niya.

“Di kaya ako matakaw. Ikaw kaya.”balik-sabi naman niya sa akin hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang panunukso namin sa isa't-isa, datapwat di rin naman ito gaya ng inaakala niyo. Nagbibiruan lang kaming dalawa netong best friend ko.

“Oh, anong meron dito't mukhang nagkakatuwaan kayong dalawa ah.”sabi sa amin ni tita nang makabalik na siya ulit sa kusina dala-dala ang mga pinambili niyang mga sangkap pandagdag para dun sa lulutuin niya. 

"Ah wala po tita. Naglolokohan lang kaming dalawa ni Yuri."magalang na sagot ni Heina.

"Ganun ba? Oh sige. Maiba ako, tapos na ba kayong magluto?"tanong ni tita sa amin.

"Ah opo. Tapos na po."sagot naming dalawa. Tumawa lang si tita sa aming dalawa.

"Para talaga kayong kambal."sabi pa niya nang nakangiti. Nginitian lang namin siya pabalik.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon