CHAPTER VII - Getting To Know Him

7.4K 117 18
                                    

CHAPTER VII

**YURI's POV**

 Naku! nahuli ako... yari talaga ko neto...

Tumingin ako  dun sa direksyon  ng lalaking nakatayo...

  

Pagtingin ko dun,nakita ko si Fizz na nakatayo at mukhang nagulat yata siya nang makita ako rito.


Naku.. nakakahiya naman sa kanya.. bisita lang naman sana ako rito pero napakapakialamera ko talaga... Pano ba to, baka magalit siya sakin na pumasok ako rito. Mukhang private room ata to eh.. Psshhh.....

 “ah- eh, ikaw pa-paala Fizz.” Sabi ko habang hawak-hawak yung parte ng palda ko na may nadumihan ng pintura.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sakin..

 Ano ba? ano nga ba ang ginagawa ko dito? Na-curious lang naman ako eh, kaya ako pumasok.. tsk.. 

“Ah-eh, pasensya ka na kung basta-basta na lang akong pumasok dito ng walang permiso. Nakaiwan kasing bukas yung pinto, kaya naman na-curious ako at pumasok dito.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Anong nangyari diyan.” turo niya dun sa sahig kung san nakakalat ang mga pintura.

Isa pa pala yan. Grabe,,nakakahiya na talaga sa kanya. Di ko na tuloy maiharap ng maayos ang mukha ko sa kanya.



“Ah-eh, tungkol naman diyan. Sorry din. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh.” Sabi ko ulit sabay bow sa kanya. Naku, baka tuluyan na tong magagalit sa akin si Fizz dahil sa mga pinaggagagawa ko.

“ Ayos lang yun,it's not a big deal J.” Sagot niya sakin at naka-smile pa.

 Waah!!! Ang gwapo niya talaga! Pero, ano raw ulit ang sabi niya? Ayos lang yun? Not a big deal?

Sigurado ba ko sa mga narinig ko? o baka nagbingibingihan lang ako?

 Wow! Ang bait-bait niya talaga.

“Teka, anong nangyari diyan sa palda mo?” tanong niya sakin nang mapansin niya sigurong hawak-hawak ko lang eto.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon