CHAPTER LVIII (Part 2)

2.3K 59 9
                                    

CHAPTER LVIII (Part 2)

**REN's POV**

 "I found you..."

Napatingin ako dun sa nagsalita. Hindi ko masyadong mamukhaan kung sino ba iyon dahil sa hindi ganoon kaliwanag dito. Ngunit, natitiyak ko pa rin kung sino ang taong iyon.

Naramdaman kong dahan-dahan na siyang naglalakad papunta sa akin. Habang siya'y palapit na ng palapit, mas nagiging malinaw na sa paningin ko ang mukha ni Yuri. At noong nakalapit na nga siya ay doon ko lang din napansin na nagtutubig na pala ang kanyang mga mata.

Bigla niya akong niyakap sabay sabi ng "I found you..."

Paulit-ulit niyang binibigkas ang tatlong salitang ito, at kasabay nun ay ang kanyang paghikbi.

Niyakap ko siya pabalik at saka hinimas-himas ang likod niya.

"Shhhhh... Stop crying. And why are you crying?"tanong ko pa. 

"I found you..."yun lang ang sagot niya.

"Yes, you found me."sagot ko naman habang patuloy pa rin siyang hinihimas sa likod.

Ilang saglit pa ang nakalipas simula nung tumahan sa paghikbi si Yuri. Ngunit kahit na tumahan na siya ay hindi pa rin siya bumitaw sa pagkakayakap, kaya naman hindi na rin muna ako bumitaw. 

"Are you okay?"tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot at agad na lamang siyang kumalas mula sa pagkakayakap.

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong pitikin sa noo.

"Aray!"reklamo ko pa sabay hinimas ang noo ko.

"At para san naman yun?"naguguluhang tanong ko.

"Stupid!"yun lang ang isinagot niya at saka tinalikuran ako at umupo na siya sa may damuhan.

 **YURI's POV**

 "Jin Ren ko..." tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" imik niya sabay tingin sa direksyon ko.

Hindi ko alam kung tama bang tanungin ko siya tungkol sa nangyari sa kanya at nang papa niya. Baka kasi magagalit siya kapagka inopen topic ko iyon.

Pero...

Pero gusto kong malaman. Gusto kong magkwento siya. Alam kong mabigat ang loob niya ngayon at kailangan niyang ilabas lahat ng iyon.

Narito nga pala  kami ngayon sa may tabing dagat. Kahit papano pala, may pakinabang din ang pagiging stalker ko rati kay Jin Ren ko. Dahil nga stalker, este admirer niya ako rati, ay nangalap ako ng mga impormasyon tungkol sa kanya. At isa sa mga impormasyong iyon ay ang mga karaniwang lugar na pinupuntahan niya sa tuwing gusto niyang mapag-isa. At eto nga-- ang sa may tabing dagat.

Masyadong tahimik dito. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga hampas ng alon lamang. Saktong-sakto para ma-refresh ang mind mo. 

"Bakit?"naiinip na tanong niya. 

"Ah-- eh, ano kasi oh..."hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin at hanggang sa inirapan na nga niya ako at siya na nag-open ng topic.

"What? Gusto mong tanungin kung ayos lang ako?"tanong niya pa at saka muli akong tinitigan at kasabay nun ay ang pagngiti niya. Ngunit kahit na ano pang ngiti ang ipakita niya sa akin, alam ko na sa kabila ng mga ngiting iyon ay may itinatago siyang kalungkutan

.

"Ayos la------"

"No! Nagkakamali ka! Hindi ako pumunta rito para tanungin kung okay ka lang."pagpuputol ko sa mga sinasabi niya.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon