CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks

5.8K 72 18
                                    

CHAPTER XXXII

  

**YURI’s POV**

 Three days na rin ang nakararaan simula nung nangyari sa amin sa library. Syempre naman, kinwento ko na ang lahat ng nangyari kay Heina nuh, ayoko na ulit magtago pa ng sikreto sa kanya. Alam niyo yun? Di kaya ng konsensya ko! naks! Hahaha.

Panay pa talaga ang paghampas niya sa akin s braso nang kinwento ko yun sa kanya eh sa kinikilig daw siya.

Hayyy… minsan napapaisip tuloy ako. Bakit kaya kapag ang lalaki kinikilig, nakangiti lang sa TABI. Pero kapag ang babae kinilig, naku bugbog sarado ang kaTABI.

Err, ganun nga ang nangyari sa akin. Bugbog sarado talaga ako sa mga hampas ni Heina. Lokong yun!

 Oh well, balik sa dati na talaga ulit kami. Tinututor na niya ulit ako. Masungit pa rin naman talaga siya sa akin pero pansin ko naman eh medyo nabawasan na rin naman ng kaunti yung kasungitan niya. Ganun pa rin naman, halos wala pa ring pagbabago. Araw-araw ko na rin siya ulit hinihintay sa gate tuwing umaga. Pero may isang nagbago, yun ay ang feelings ko para sa kanya.

Kung dati mahal ko lang siya… ngayon eh mahal na mahal ko na siya. Nakakatuwa nga eh. Nagagawa ko na rin ngayong makipagbiruan sa kanya.

Hayyy, naalala ko na naman yung mission ko na napakaimposible. Tingin niyo kaya magagawa ko yun?

Pero nagsisimula na rin naman ako tungkol dun. I’m already working on it. Syempre noh, gusto ko rin namang bumalik na ang dating Ren. Ang dating Ren na ayon kay Tita eh  sweet, caring at loving.

RIIIIIIING!!!

 Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig kong tumunog na ang bell.

“Okay class, see you on our next meeting.” Pagpapaalam sa amin ng teacher namin at ayun, tuluyan na nga siyang lumayas ng room.

 Tumayo na ako sa kinaupuan ako at saka inilagay ang mga notes ko sa bag nang bigla na lang may kumalabit sa akin. Paglingon ko kung sino, si Heina lang pala. Akala ko si Jin Ren ko na. HAHA

“Oh best friend mukhang disappointed ka yata dahil ako lang ang kumalabit sayo?” pabiro niyang sabi sa akin.

 “Tigilan mo nga ako!” sabi ko sa kanya. Alam ko namang tutuksuin na naman ako neto eh.

“Ayeeh, deny ka pa diyan. Halata naman.” sabi na nga ba eh. -_-

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon