CHAPTER V - Meeting His Family

8.1K 125 13
  • Dedicated kay Hana Lao
                                    

 CHAPTER V

** REN’s POV**

Tang-ina! Hindi ko pala nasabi sa engot na yun kung saan kami magkikita at pati na rin kung anong oras. Nataranta pa tuloy akong hanapin ang number niya at nag-"hu u?" pa ang engot uh. Ang tanga-tanga talaga kahit kelan.

Siya nga pala, papunta na ko ngayon dun sa meeting place namin, sa JC Square, na kung saan walang masyadong taong nagpupupunta. Syempre, delikado na baka may makakita pa sakin na kilala ako at isipin pang nakikipagkita ako sa asungot na yun.

Ilang minuto pa'y dumating na 'ko dun at natanaw ko naman siya agad.

“Tss, ang aga naman yata niya at nagpaganda pa huh.” Sabi ko sa sarili ko nang mapansin kong si engot na nakatayo lang. Kadalasan kasi, ang mga babae ang laging nahuhuli sa mga usapan. Sabagay hindi naman kame magde-date eh kaya dapat lang na hindi siya ma-late.

Pero teka nga, tila may nag-iba yata sa kanya. Ewan ko lang kung ano. Hindi ako sigurado. Marahil ay yung paraan ng pananamit niya? Mas naging lady-like na ngayon yung pananamit niya kung ikukumpara dati, lalo na nung third year kami. Sus! Pakialam ko ba?!

Lumapit na ko dun sa kinaroroonan niya at...

“Ehem..”sabi ko pa at nagkunwaring umubo-ubo.

 Humarap siya sa akin at mukhang nagulat naman siya nang makita ako. 

Problema nito?    ?_____?

“Ah-eh andito ka na pala. Ang gwapo mo naman, eto oh.”bati niya sa akin nung makabawi siya sa  pagkagulat sabay abot nung regalong dala niya. Datapwat halata pa rin sa  mukha niya na manghang-mangha pa rin siya sa itsura ko.

“Tss.. birthday ko ba? Bat mo ko binibigyan ng regalo?”suplado kong tanong sa kanya.

“Naku, tanggapin mo na lang kasi. Thank you gift ko yan sayo.”sagot naman niya at saka ako binigyan ng isang monggoloid niyang nginit. Pansin ko lang, parati na lang ngumingiti tong babaeng to. Nagmumukha na tuloy siyang sira ulo!

Pero teka nga, ano raw yung sabi niya? Thank you?At para san naman daw? Dahil itu-tutor ko siya?

Ang tanga talaga niya! May kapalit naman tong pag-tutor ko sa kanya eh, kaya patas lang kami. Di na niya kailangan pang mag-thank you. tsss...

“Ayoko! Tara na nga.”sabi ko pa at nauna na kong maglakad papunta dun kung san nakaparada ang kotse ko.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon