CHAPTER XXVIII - Dinner

5.9K 75 14
                                    

CHAPTER XXVIII

**YURI’s POV**

“ Ano pala sa tingin niyo? Mga engot kayo!”  balik-sabi sa amin ni Jin Ren ko nang nakataas pa ang isang kilay niya.

Grabe lang. Di ko alam kung ano ang ire-react ko tungkol sa katotohanang ang babaeng eto na nasa harap ko na ang lapad-lapad pa ng ngiti, na animo’y mapupunit na ang mukha sa sobrang lapad ng ngiti niya; ang babaeng eto na kanina’y binalak kong sugurin; ang babaeng gustong-gusto kong tirisin kanina at kung ano-ano pang mura ang nasabi ko sa kanya, ay walang iba kundi ang nanay ng pinakamamahal kong si Jin Ren?

WAAH!!! Hanggang ngayon, tulala pa rin ako at di pa rin ako maka-get over sa mga nalaman ko at alam kong ganun din si Heina.

“Hay naku, wag mo nga silang pagsalitaan ng ganyan.” Suway nung magandang binibini na nasa aking harapan.

 Kinuha niya yung kamay ko at saka hinawakan ito ng mahigpit, yung tipong mahigpit na pagkakahawak dahil sa tuwa at excitement. Ganun, ganun na ganun ang pagkakahawak niya sa magkabila kong kamay.

“Yuri, tama ba?” paninigurado niya.

Tumango lang ako.

“Totoo bang ikaw ang katipan netong anak ko?” natutuwa niyang sabi na halata mong kinikilig-kilig pa.

“P-PO!?” bigla ko na lamang naisigaw sa sobrang gulat sabay bawi pa nung magkabila kong kamay.

ERR, pano ba naman niya hindi tatanungin yun, eh di ba nga nagpanggap ako kanina na girlfriend ako ni Jin Ren ko.

Tsk... nice one Yuri. -____-

“Miss Jane, sabi ko naman sa inyo hindi ko siya girlfriend.” Tugon naman ni Jin Ren ko na ngayo’y nakahalukipkip pa.

Ang kanina’y maligayang aura at napakatamis na ngiti na nakaplaster sa mukha ng kanyang ina ay ngayo’y napalitan na ng lumbay. ERRR, anong ibig sabihin niya dun?

Binigyan ko na lamang siya ng isang nag-aalanganing ngiti dahil hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko. Bigla na lang tumahimik dun sa table namin. 

“Pero gusto mo ang anak ko di ba?” nakakagulantang niyang tanong sa akin sabay kuha ulit nung mga kamay ko.

I'm Courting Mr. ColdWhere stories live. Discover now