CHAPTER XLV - Siguro

4.9K 93 41
                                    

**CHAPTER XLV**

**YURI’s POV**

(Sabado ng hapon. Kinabukasan matapos yung Pick-up lines scene)

“Yuri, ija!!!”salubong sa akin ni tita Jane nang makapasok na ako sa bahay nila sabay niyakap pa ako. Andito ako ngayon for the review. Tapos mamayang alas sais naman, yayain kong mag-sine si Jin Ren ko.

Yeah, yeah. Alam ko na medyo nayayamot pa ako dahil dun sa inasta niya kagabi. Pero alam niyo naman ako… hinding-hindi ko kayang tiisin na magalit na lamang sa kanya. At saka sayang naman tong ticket na binigay sa akin ni Heina kung di namin magagamit di ba? ngayon pa naman to naka-schedule!

Tama nga kayo, si Heina ang nagbigay ng ticket na ito sa akin. Ewan ko nga kung bakit may ticket for two siya eh.

Pero ang sabi niya eh binili niya raw to para sa amin talaga nina Jin Ren ko. Bale belated birthday gift na rin daw niya para sa mahal ko. Pero ewan ko na lang kung totoo ba yung mga sinabi niya.

hahay.. tong best friend ko. pansin ko lang parang nagiging mataguin na siya sa akin. Hindi na siya gaanong nagbabahagi ng mga kwento niya sa akin. Haayyy… kelangan ko talagang kausapin ng masinsinan yun kahit minsan.

“Naku, magrereview ba kayo ng anak ko?”tanong sa akin ni tita nang kumalas na sa pagkakayakap.

“Ah, opo! Nasaan na nga po pala siya?”tanong ko pa, kaso may biglang sumingit sa usapan namin nina tita. At walang iba kundi sino pa? eh yung walang galang na bubwit na kapatid ng mahal ko na si Maxine!><

“Mom, granny is looking for you! she’s in the garden.”sabi pa niya sa mama niya tapos agad naman siyang napatingin sa akin at nag-roll eyes ba naman daw! Ang supla-suplada talaga! May pa-english-english pa siyang nalalaman!Tch!><

“Alright! I’ll be there in a minute!”sagot ni tita sa kanya, tapos muling ibinalin ni tita ang atensyon niya sa akin sabay sabing,”Naku ija, andun pa siya sa kwarto niya. puntahan mo na lamang siya dun.”

“Maxine, lead her to your brother’s room.”utos naman ni tita kay bubwit! Si bubwit naman, nagkibit-balikat lang tapos nun asar siyang pumayag na ihatid ako dun sa kwarto ng kuya niya. naku, tong batang to!

At heto nga kami ngayon, naglalakad na papunta sa kwarto ng mahal ko. Ang laki talaga ng bahay nila. Ang dami na naming nadaanang mga silid pero hanggang ngayon hindi pa kami humahantong sa kwarto ng mahal ko.

Ang totoo niyan eh nakapasok na ko dati sa kwarrto ng mahala ko, nung inalalayan ko siya nung lasing na lasing siya. Kaya lang nakalimutan ko na, sa dami ba naman  ng mga silid nila dito eh magagawa ko pang tandaan!HAHA

“I really hate you!”out of nowhere na sabi nitong tour guide ko ay este ni Maxine pala!

She hates me? Eh mas ayaw ko naman sa kanya noh! HAHAHA. De joke lang! hindi naman sa ayaw ko sa kanya, nakakapikon lang talaga yung pagiging maldita't suplada niya.

“At bakit naman daw?”tanong ko pa sa kanya habang patuloy pa ring nakasunod sa likuran niya.

“Because you’re so stupid!”diretso niyang sagot sabay hinto sa paglalakad tsaka hinarap ako nang nakapameywang pa.

Grabe tong batang to, daig pa niya ang isang matanda! Kung makapagsalita siya parang alam na alam niya ang lahat. At ano raw yun? Stupid daw kamo ako? Errrrr  >____<

“A-ano? Ako? Stupid? Di no!”depensa ko pa.

“Yes you are! Because if you’re not. You shouldn’t be here, asking my brother to tutor you!”sagot pa niya.

Aba! Sumosobra na tong batang to huh! Pero may point din naman siya eh.

“May mga bagay lang talaga na hindi ko alam kaya ako nagpapaturo.”sagot ko naman.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon